Pasig City General Hospital Obstetrics & Gynecology

Pasig City General Hospital Obstetrics & Gynecology Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Pasig City General Hospital Obstetrics & Gynecology, Obstetrician-gynaecologist, PASIG CITY GENERAL HOSPITAL M. Eusebio Avenue, Pasig.

18/09/2025

PASIG CITY GENERAL HOSPITAL
(Department of Obstetrics and Gynecology)

ADVISORY

Ipinapabatid po sa publiko na isasailalim sa nakatakdang paglilinis at infection control procedures ang Obstetrics (OB) IE Room, OB Admitting Section, OB Labor Room-Delivery Room Complex, at OB Ward ng Pasig City General Hospital (PCGH).

Kaugnay nito, pansamantalang lilimitahan ang operasyon sa mga nabanggit na pasilidad simula sa September 21, 2025 (Linggo), sa ganap na 12:01AM, hanggang sa September 24, 2025 (Miyerkules), sa ganap na 11:59PM.

Ang hakbang na ito ay alinsunod sa panuntunan ng Infection Prevention and Control Unit
ng PCGH upang matiyak ang kalinisan, kaligtasan, at mataas na kalidad ng serbisyong medikal para sa lahat ng pasyente at kawani ng nasabing ospital.

Samantala, muling babalik sa normal na operasyon ang nasabing pasilidad sa September 25, 2025 (Huwebes), sa ganap na 12:00MN.

Kami po ay humihingi ng paumanhin sa anumang abala na maaaring idulot nito. Lubos po naming pinahahalagahan ang pagpapanatili ng malinis, ligtas, at maayos na kapaligiran sa ating ospital.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.

31/08/2025
Magandang araw! Para sa pagpapakonsulta, maaari ninyong gamitin ang QR code na ito upang mabilis na makarating sa aming ...
30/08/2025

Magandang araw! Para sa pagpapakonsulta, maaari ninyong gamitin ang QR code na ito upang mabilis na makarating sa aming page. Maaari rin ninyo itong ibahagi sa mga kaibigan o pamilyang nangangailangan ng OBGYN consult.

PAALALA: Ang schedule ng appointment ay mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 AM hanggang 5:00 PM lamang. Maraming salamat po!

The Pasig City General Hospital - Department of Obstetrics and Gynecology is now accepting applicants for its PBOG-accre...
24/08/2025

The Pasig City General Hospital - Department of Obstetrics and Gynecology is now accepting applicants for its PBOG-accredited Residency Training Program for 2026!

Important dates to remember:
Application Period: Aug 26 - Sept. 12, 2025
Pre-residency Period:
1st Batch: Sept. 15 - Oct. 14, 2025
2nd Batch: Oct. 15 - Nov. 14, 2025

Build your future with us!

Go to bit.ly/pcghobgyn-apply2026 to fill out the form.

Submit your requirements at the OB Lounge, 2nd floor, Bldg. A, PCGH. (long brown envelope, labeled with β€œSurname, First Name, MI”)

For any inquiries, please contact Kenette Bacsal (Chief Resident) at 09763632101 or ob.pcgh@gmail.com

Thank you and we are looking forward to have you with us!

21/08/2025

π‚πŽππ†π‘π€π“π”π‹π€π“πˆπŽππ’, ππ€π’πˆπ† π‚πˆπ“π˜ 𝐆𝐄𝐍𝐄𝐑𝐀𝐋 π‡πŽπ’ππˆπ“π€π‹! Pinarangalan ng Department of Health (DOH) bilang π‡πšπ₯π₯ 𝐨𝐟 π…πšπ¦πž π€π°πšπ«ππžπž para sa 𝐌𝐨𝐭𝐑𝐞𝐫-ππšπ›π² π…π«π’πžπ§ππ₯𝐲 π‡πžπšπ₯𝐭𝐑 π…πšπœπ’π₯𝐒𝐭𝐲 𝐈𝐧𝐒𝐭𝐒𝐚𝐭𝐒𝐯𝐞

-

Ang Pasig City General Hospital (PCGH) sa pangunguna ni Dr. Paulo Roman A. Castro, Jr., ay kabilang sa 35 ospital sa buong National Capital Region na tumanggap ng Hall of Fame Award bilang pagkilala sa kanilang mahusay na pagpapatupad sa mga pamantayan ng Mother-Baby Friendly Health Facility Initiative (MBFHI).

Ang karangalang ito ay patunay ng kahusayan ng PCGH sa pagpapanatili, pagsusulong, at pagtataguyod ng exclusive breastfeeding at ng mga makatao, inklusibo, at makabagong serbisyong pangkalusugan para sa mga ina at sanggol.

Isinagawa ng Department of Health – Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) ang Parangal at Pagkilala sa mga Ospital ng NCR noong Agosto 20, 2025 sa Hotel Lucky Chinatown, Maynila.

Personal na tumanggap ng karangalan para sa PCGH sina: Dr. Paulo Roman A. Castro, Jr., PhD – Medical Director, Dr. Jorge Licsi, FPPS – Chairperson, Pediatric Department, Maria Levee Genalin C. Lim, RN, MAN – Head, PCGH GAD Office, at Dr. Ma. Victoria D. Gayamat, FPOGS – OB-Gyne Consultant.

Ang pagkilalang ito ay nagsisilbing inspirasyon upang higit pang isulong ang mas malusog na kinabukasan para sa bawat ina at sanggol, sa pamamagitan ng ligtas, suportado, at mapag-arugang lipunan.

Muli, isang mainit na pagbati, PCGH! Marami pong salamat sa patuloy na pagsusulong ng usapin at mga programang pangkasarian at kaunlaran sa inyong tanggapan.

-

Ang Mother-Baby Friendly Health Facility Initiative (MBFHI), ay isang pandaigdigang programa na inilunsad ng UNICEF at World Health Organization (WHO), at ng DOH sa Pilipinas, upang isulong at suportahan ang pagpapasuso. Nilalayon nitong lumikha ng isang kapaligiran sa mga health facilities kung saan ang pagpapasuso ay ang normal at pinahahalagahan na gawi para sa lahat ng mga ina. Kabilang dito ang pagpapatupad ng Ten Steps to Successful Breastfeeding (10 Hakbang sa Matagumpay na Pagpapasuso) upang matiyak na ang mga ina ay makakakuha ng tamang kasanayan at suporta para sa eksklusibong pagpapasuso.

21/08/2025
πŸ‘ Binabati natin ang lahat sa matagumpay na programa Buntis Caravan 2025 na inorganisa ng City Health Department at ng P...
20/08/2025

πŸ‘ Binabati natin ang lahat sa matagumpay na programa Buntis Caravan 2025 na inorganisa ng City Health Department at ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig na ginanap noong Agosto 16, 2025 sa Choice Market, Pasig City!

Address

PASIG CITY GENERAL HOSPITAL M. Eusebio Avenue
Pasig
1600

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pasig City General Hospital Obstetrics & Gynecology posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram