16/10/2023
For those in business that involves creating content in socmed, nangyari na ba sa’yo ito?
Kung active ka sa socmed about your business. Sasabihin ng iba:
“Puro hanapbuhay ka na lang pati sa socmed.”
“Nag sasayang ka lang ng oras puro content kesa pagbutihan ang business.”
“Puro ka promote, puro ka benta, wala naman mangyayari dyan.”
“Alam ko na yan, sa una lang ayos yan… mag fafail din yan”
At Kung hindi ka active sa socmed
“Paano ka magtatagumpay kung wala ka panahon para i promote negosyo mo?”
“Bakit hindi mo gayahin si ganito o ganyan, dapat bibo ka sa socmed para mas madami ka makuha customers..”
Relate?
You know what? Tama sila. They speak from their experience and knowledge, doesn’t mean totoo sa kanila e yun na din ang mangyayari sayo. Kaya husayan mo either way.
At kesa sagutin mo sila, eto gawin mo, check mo bank account mo kung may nagbago after nila mag bigay ng opinyon sa ginagawa mo. Kapag wala, alam mo na hindi sila ang sagot sa pag asenso mo.
Active ka sa socmed o hindi, may masasabi at masasabi ang iba sayo kaya tuloy mo lang diskarte mo, naniniwala ako na kapag pinagbutihan mo, may mangyayari sayo.
Kung active ka, it could also mean may sobra ka oras to spare and promote online. Kung hindi ka active sa socmed, you might have something far more important to do o baka private ang activity kung hindi man naka public kaya hindi nakikita ng hindi dapat makakita.
There is no exclusive strategy to succeed in business today lalo na kapag involve ang socmed, pero timeless ang pagiging committed, disciplined, hardworking, strategic etc.. at dapat innovative, creative and open ka mag adapt at magbago kasabay ng pagbabago ng panahon at always dapat accountable ka hindi blame sa iba kapag nag fail ka. Remember, kapag nag succeed ka, dahil sayo yan. Kapag nag fail ka, dahil sayo pa din yan. Work on your goals your way and not their way lalo na kung hindi naman sila tumutulong sa pag unlad mo.
Sa mga gusto kumita ng walang gagawin, again ang alam ko walang ganun. Kung sakaling meron legal, isama mo ako.
Sa gusto ng pagbabago at bago? PM is the key at mag kape tayo, flower ☕️🌹