
08/07/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐
๐๐๐, & ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ (๐๐
๐๐)
Public Advisory No. 2025 | June 4, 2025
Ang Department of Health Eastern Visayas Center for Health Development (DOH-EVCHD) ay pinapaalalahanan ang publiko na maging alerto at maalam tungkol sa sakit na Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD) - isang nakakahawang viral disease na karaniwang nakakaapekto sa mga sanggol at kabataan.
Bagamaโt mild, self-limiting, at hindi nakakamatay, ang HFMD ay maaari ring humantong sa komplikasyon gaya ng meningitis, encephalitis, at polio-like paralysis kung sakasakaling hindi maagapan.
Para sa kaligtasan ng inyong sarili, pamilya,a t komunidad, narito ang mahahalagang dapat malaman:
- Paraan kung paano ito nakahahawa.
Ang HFMD ay karaniwang naipapasa sa pamamagitan ng pagdikit sa mga likidong (discharge) galing sa ilong at bibig, laway ng taong may HFMD, at sa iba pang kontaminadong bagay.
- Mga karaniwang sintomas.
Lagnat, masakit na lalamunan, panghihina ng katawan o pagkabalisa, mapupulang butlig o singaw sa dila, ngalangala, o loob ng bibig, rashes o pamumula sa kamay, paa, at iba pang bahagi ng katawan, pagiging iritable ng mga sanggol at bata, kawalan ng gana sa pagkain
- Paraan kung paano ito maiiwasan. Ugaliin ang madalas at tamang paghuhugas ng kamay gamit ang tubig at sabon, o alcohol-based sanitizer. Kung maaari ay iwasan ang pagbabahagi ng mga personal na bagay gaya ng kutsara, baso, at iba pang kagamitan.
Para sa mga sakit na HFMD. Panatilihing naka isolate ang mga pasyente o taong may sakit na HFMD. Pinapaalalahan ang bawat magulang o guardian na siguraduhing manatili sa bahay ang mga anak kung nakakaramdam ng alinman sa mga sintomas na nabanggit. Higit na makabubuti kung sila ay pansamantalang iwasang makihalubilo sa nakararami. Magpakonsulta sa pinakamalapit na health center kung nakararamdam ng mga sintomas, lalo na kung ito ay lagpas na sampung araw.
Maging responsable at maingat sa kalusugan ng sarili, pamilya at komunidad. Patuloy na makinig sa mga opisyal na abiso mula sa DOH at sa inyong lokal na pamahalaan. Sa sama-samang pagtutulungan, maiiwasan natin ang pagkalat ng HFMD at mapananatili ang ligtas na komunidad.