Patnanungan Rural Health Unit

Patnanungan Rural Health Unit The municipality of Patnanungan is part of the Polillo Group of Islands located at the northern part of Quezon Province.

The Rural Health Unit of Patnanungan serves as a primary care facility and aims to improve the health status of the community.

25/09/2025

ANNOUNCEMENT

Wala pong check-up at anti-rabies vaccination bukas dahil sa malakas na bagyo.

Pinag-iingat po ang lahat ng ating mga kababayan.
Tanging mga emergency cases lamang po ang aming tatanggapin bukas.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.

Happy Family Planning Month! 🌸We are proud to share that Patnanungan has been recognized as one of the Top 10 Municipali...
13/09/2025

Happy Family Planning Month! 🌸

We are proud to share that Patnanungan has been recognized as one of the Top 10 Municipalities in Quezon Province for the implementation of the Family Planning Program! 🏆

This achievement is made possible through the support of our Municipal Mayor Marie Claire A. Larita-Natividad and LGU Patnanungan, RHU staff, OIC-MHO/DTTB, nurses, midwives, our Family Planning Program Coordinator Babylene Peñamante, and our dedicated Barangay Health Workers (BHWs).

Congrats, Patnanungan!

Patnanungan Blood Donation Drive – Success! We are truly grateful to everyone who became part of the recently concluded ...
10/09/2025

Patnanungan Blood Donation Drive – Success!

We are truly grateful to everyone who became part of the recently concluded Blood Donation Drive here in Patnanungan. ❤️

With the support of Mayor Claire A. Larita-Natividad and LGU Patnanungan, Rural Health Unit with Dr. Jomari T. Dioquino and our Blood Program Coordinator, Gemuel Carl P. Nava, RMT, together with our dedicated RHU staff, MDRRMO headed by Sir Rhoniel Pamatian, and with the invaluable support of DOH CHD CALABARZON – Project Isla led by Ma’am Myla Velgado, our DMO, Ma’am Eileen Rutaquio, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital, and the Philippine Medical Association – Quezon Medical Society, we successfully collected 71 bags of blood – for the second time around!

Maraming salamat po sa lahat ng nagbigay ng oras, suporta, at higit sa lahat sa ating mga donors na naging bayani ng buhay. Ang inyong malasakit ay nagbibigay ng pag-asa at panibagong lakas sa ating mga kapwa nangangailangan.

Dugo na galing sa puso, alay para sa kapwa. 🩸


09/09/2025

Pansamantala pong walang konsultasyon ngayong hapon sa RHU dahil ang mga kawani ay dadalo sa Data Quality Check
👉 Tanging mga emergency cases lamang ang tatanggapin.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.

PAALALA MULA SA RHU PATNANUNGAN Bukas po, September 8, 2025, ay walang regular na konsultasyon sa RHU sapagkat magkakaro...
07/09/2025

PAALALA MULA SA RHU PATNANUNGAN

Bukas po, September 8, 2025, ay walang regular na konsultasyon sa RHU sapagkat magkakaroon po tayo ng programang Blood Donation Activity 🩸 sa Patnanungan Sports Complex.

Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa at makidalo sa gawaing ito na makapagliligtas ng buhay.

Tanging emergencies lamang po muna ang tatanggapin bukas sa RHU.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at suporta.

HAKA-HAKA O KATOTOHANAN? 🤔Marami pa rin ang naniniwala sa mga haka-haka tungkol sa blood donation. Ngunit ang katotohana...
07/09/2025

HAKA-HAKA O KATOTOHANAN? 🤔
Marami pa rin ang naniniwala sa mga haka-haka tungkol sa blood donation. Ngunit ang katotohanan: ligtas ito, simple lamang, at higit sa lahat—nakapagliligtas ng buhay.

Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa sa ating Blood Donation Activity bukas, September 8, sa Patnanungan Sports Complex mula 7:00 AM hanggang 1:00 PM.

Maging bahagi ng isang makabuluhang gawain para sa ating komunidad. Ang inyong isang bag ng dugo ay maaaring magbigay ng panibagong pag-asa at makapagliligtas ng buhay.

Maraming salamat po.

05/09/2025

Pansamantala po munang walang check-up sa RHU ngayong araw mula 1:00 PM hanggang 5:00 PM dahil kasalukuyang nagsasagawa ng training at data quality check ang ating mga healthcare workers.

Tanging mga emergency cases lamang po muna ang tatanggapin.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa.

Pormal nang inilunsad ngayong taon sa bayan ng Patnanungan ang School-Based Immunization Program (SBIP) bilang bahagi ng...
02/09/2025

Pormal nang inilunsad ngayong taon sa bayan ng Patnanungan ang School-Based Immunization Program (SBIP) bilang bahagi ng pagpapatibay ng serbisyong pangkalusugan para sa mga kabataan.

Naidaan sa Local Health Board (LHB) ang pag-endorso sa Sangguniang Bayan ng pagpapatibay sa Provincial Ordinance on Mandatory Infant and Children Health Immunization. Inirekomenda rin ang paglalabas ng Executive Order mula kay Mayor Claire A. Larita-Natividad upang higit pang mapalakas ang implementasyon ng nasabing ordinansa at ang pag-suporta sa programa ng School-Based Immunization Program.

Bilang bahagi ng paghahanda, itinipon ni Dr. Jomari T. Dioquino ang mga RHU nurses na sina Nurse Mico, Nurse Mikel, Nurse Maricel, Nurse Jep, at Nurse Roxanne, kasama ang DepEd Nurse na si Nurse Jovert, upang talakayin ang mga estratehiya para sa mas epektibong pagpapatupad ng programa.

Samantala, itinipon nila Nurse Mico, Nurse Jep, Nurse Maricel at Nurse Jovert ang mga magulang at g**o sa Patnanungan Central Elementary School upang ipaliwanag ang mga bakunang matatanggap ng mga piling mag-aaral ngayong taon. Kabilang dito ang:

✅ Grade 1 learners – Measles-Rubella (MR) at Tetanus-Diphtheria (Td) booster
✅ Grade 4 female learners – Human Papillomavirus (HPV) vaccine para sa proteksyon laban sa cervical cancer
✅ Grade 7 learners – Measles-Rubella (MR) at Tetanus-Diphtheria (Td) booster

Target ng programa ngayong taon ang daan-daang mag-aaral sa iba’t ibang paaralan sa bayan ng Patnanungan upang matiyak ang kanilang kalusugan at proteksyon laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng bakuna.




🩸 BLOOD DONATION DRIVE 2025 🩸Give the gift of life—donate blood and be a hero! ❤️📅 Date: September 08, 2025⏰ Time: 7:00 ...
01/09/2025

🩸 BLOOD DONATION DRIVE 2025 🩸

Give the gift of life—donate blood and be a hero! ❤️

📅 Date: September 08, 2025
⏰ Time: 7:00 AM onwards
📍 Venue: Patnanungan Sports Center

Your simple act of kindness can save lives. Every drop counts! 🙌

✅ Open to all healthy donors
✅ Bring a valid ID
✅ Eat a healthy meal before donating

Join us and make a difference! 💉✨

Ang Patnanungan RHU ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Family Planning at Breastfeeding Awareness Month ngayong Agosto! 🤱👨‍👩...
29/08/2025

Ang Patnanungan RHU ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Family Planning at Breastfeeding Awareness Month ngayong Agosto! 🤱👨‍👩‍👧‍👦

✨ “Panalo ang Pamilyang Planado! Tara, Usap Tayo sa Family Planning!”

✨ “Prioritize Breastfeeding: Create Sustainable Support Systems”

🌟 Kahit na magkakalayo ang bawat bahay sa ating mga barangay, hindi ito naging hadlang para sa mga health workers ng Patnanungan RHU na magsagawa ng house to house visits at magturo ng tamang impormasyon tungkol sa Family Planning at Breastfeeding.

Mga Gawaing Isinagawa:
✅ Pagsasagawa ng mga health talk sa mga barangay na may mataas na bilang ng mga bata upang mapalawak ang kaalaman sa tamang pagpaplano ng pamilya at tamang pagpapasuso.
✅ House to house visits sa mga bahay upang magturo ng tamang paraan ng pagpapasuso at maipaliwanag ang iba’t ibang uri ng family planning methods na maaaring i-avail nang libre sa ating RHU.

🤱 Mabuhay ang lahat ng ina at lahat ng pamilya! Sama-sama nating isulong ang malusog at maayos na kinabukasan para sa bawat Pamilyang Patnanugeño.

MAHALAGANG PAALALAAng nakatakdang Blood Donation Drive bukas ay ipinagpaliban muna dahil sa masamang panahon upang masig...
27/08/2025

MAHALAGANG PAALALA

Ang nakatakdang Blood Donation Drive bukas ay ipinagpaliban muna dahil sa masamang panahon upang masig**o ang kaligtasan at kapakanan ng lahat ng magdodonate.

📅 Ang bagong iskedyul ng ating Blood Donation ay sa Setyembre 4, Huwebes, sa parehong venue.

Ang Patnanungan RHU ay taus-pusong nagpapasalamat sa inyong pang-unawa at suporta. Ang bawat patak ng dugo na inyong ibinibigay ay malaking tulong para sa ating mga kababayan na nangangailangan ng agarang lunas at pag-asa.

❤️Muli, maraming salamat po at inaasahan namin ang inyong patuloy na pakikiisa sa programang ito.

We at Patnanungan RHU are proud of our achievements in the School Based Immunization (SBI) Program 2024!🏅 Top 3 in the P...
26/08/2025

We at Patnanungan RHU are proud of our achievements in the School Based Immunization (SBI) Program 2024!

🏅 Top 3 in the Province of Quezon – Grade 1
🏅 Top 2 in the Province of Quezon – Grade 4
🏅 Top 2 in the Province of Quezon – Grade 7

A special thank you to Mayor Claire A. Larita - Natividad and the LGU Patnanungan for their guidance and support. We also extend our gratitude to DepEd Patnanungan, on behalf of Avelino R. Bucad Jr., our District Supervisor, the head teachers, and District Nurse Jovert Española, together with Ma’am Eileen F. Rutaquio, RMT, our DMO IV, for their valuable support and coordination throughout the program.

To our dearest RHU staff, thank you for your commitment and hard work in delivering this immunization program.

Ipinagmamalaki namin ang ating nakamit at patuloy kaming magsusumikap para sa kalusugan ng ating mga bata at sa mas malusog at mas matatag na komunidad! ♥️

Address

Patnanungan

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Patnanungan Rural Health Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Patnanungan Rural Health Unit:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram