
18/03/2025
"ME Time"
Isa siguro sa matatawag na luxury o wish ng isang nanay ay ang magkaroon muli ng oras para sa sarili.
Hindi madali na sa pag mulat pa lamang ng ating mga mata, hanggang sa pagtulog; tayo ay kailangan ng ating pamilya.
"Mama! Mama!"
Ito ang madalas nating marinig mula sa ating mga anak, ganun din sa ating mga asawa (na minsan parang panganay nating anak).
Kapag walang ME time ang isang ina, madalas na siya ay iritable, madaling magalit, madaling mag init ang ulo kahit sa maliit na bagay. In result, nasisigawan natin madalas ang makukulit na bata sa ating paligid kasi ubos na ubos na din tayo.
Mahirap umandar ang isang sasakyan na walang gasolina. Madaling mapundi ang ilaw na hindi napapahinga man lamang.
Kaya inay, kahit ilang minuto lamang; matuto kang huminto. I enjoy mo ang mainit na kape sa umaga. I enjoy mo ang makaligo ng maayos. Bigyan ng panahon ang sarili na magsuklay, mag lipstick at mag pabango. Bigyan mo ng panahon ang mga bagay na nakakapag pasaya din naman sa iyo. Pag laanan ng panahon, kahit kaunti ang mag ehersisyo.
Ang isang ina na masaya, siguradong mayroon ding masayang pamilya.