
08/02/2025
ALAM NIYO BA?
Cancer ang nangungunang sanhi ng pagkamatay sa buong mundo, ayon sa World Health Organization (WHO). Ngayong National Cancer Awareness Month, ipinapaalala ng Bataan Provincial Health Office ang kahalagahan ng maagang pagtuklas kung ikaw ay mayroong sakit na cancer.
Ang cancer ay maaaring maagapan sa tulong ng mga eksperto gamit ang iba't-ibang pamamaraan gaya ng pag-inom ng gamot, operasyon, radiotherapy, at chemotherapy.
Ayon sa mga eksperto, mas madaling magamot ang cancer kapag ikaw ay dumaan sa tamang pagsusuri. May tatlong bahagi ng pagsusuri:
1. Alamin ang mga sintomas - huwag baliwalain ang mga nararamdamang kakaiba sa inyong pangangatawan.
2. Sumailalim sa tama at wastong clinical evaluation, diagnosis, at staging;
3. Sumailalim sa agarang gamutan
Ngarong araw, ika-4 ng Pebrero, ay ipinagdiriwang din natin ang World Cancer Day. Bigyang pansin ang inyong kalusugan, agapan ng mas maaga ang nararamdaman bago pa mahuli ang lahat. Umiwas sa alak, sigarilyo at v**e. Sama-sama tayo sa pagkamit ng malusog na pangangatawan para sa mas matibay na pamilyang BataeΓ±o.