
11/02/2025
PAALALA: Dulot ng mga naidagdag na bilang ng kaso ng HFMD sa Central Luzon, muling pinaaalalahanan ng Bataan Provincial Health Office ang lahat na sanayin ang mga batang maghugas ng kamay, gayundin, pinapayuhan ang mga nakatatanda na ugaliin ang paghuhugas ng kamay bago at pagkatapos hawakan ang mga bata.
Ang HFMD o Hand, Foot, and Mouth Disease ay kadalasang dumadapo sa mga nasa edad 10 pababa, ngunit may mga pagkakataon din na pati ang mga matatanda ay dinadapuan nito. Nakahahawa ang sakit na ito, at ang mga sintomas ay:
-Lagnat
-Pagkawala ng ganang kumain at uminom ng tubig
-Pagsakit ng lalamunan
-Pagkakaroon ng mga pantal sa palad ng mga kamay at talampakan ng paa, pati na sa puwitan at sa maselang bahagi ng katawan; at
-Pagkakaroon ng singaw sa bibig
Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang ligtas at malusog na komunidad.