BRGY Health Station, Wakas South

BRGY Health Station, Wakas South We are here to service and help with you... our kabarangay๐Ÿซก๐Ÿซก๐Ÿซกโค๏ธ Godbless us

13/01/2026

Dahil unang buwan na ng 2026, Oplan Goodbye Bulate na! Simulan ng tama ang taon, hinihikayat ng Provincial Health Office ang lahat ng mga magulang na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na barangay health station sa inyong lugar para sa napapanahong deworming ng inyong mga anak na nasa edad 1-19 na taong gulang.

Kunin na rin ang pagkakataong ito upang ipatimbang ang inyong mga anak na nasa edad 0-59 na buwan upang malaman ang kanilang nutritional status nang sa ganon ay maibigay ang sapat at wastong pagkain na lubos na makatutulong sa kanilang maayos na paglaki.

Tandaan, ang batang may wastong nutrisyon ay aktibo at bibo sa bahay at sa eskuwela. Sama-sama tayo sa pagkamit ng matatag na pamilyang Bataeรฑo.


09/01/2026

Kasabay ng pagbaba ng temperatura ngayong Enero, uso na naman ang flu! Ibig sabihin lang ay mas madaling kumakalat ang virus o bacteria na dulot ng influenza-like illnesses (ILI) o trangkaso.

Huwag mangamba, basta't siguraduhin lamang na sundin pa rin ang minimun public health standards gaya ng palagiang paghuhugas ng kamay at pag-disinfect ng mga gamit, pagsuot ng facemask, pa-iwas sa masisikip at mataong lugar, at pagpapanatili ng magandang air flow at bentilasyon sa silid.

Patuloy din na ipinapayo ng Bataan Provincial Health Office na takpan ang bibig at ilong sa tuwing uubo o babahing at siguraduhin na bakunado, protektado ang buong pamilya. Tandaan, ang trangkaso ay naipapasa sa pamamagitan ng droplets na galing sa ubo o bahing ng taong may sakit.

Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang malusog at produktibong komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeรฑo.


12/09/2025

Good pm. Check up schedule for next week

September 15 - whole day no check up
May event po ang philhealth. Pwede po kumuha ng mga gamot basta may reseta.

September 16 - whole day pedia

Magkakaron po ng physical examination para sa mga athletes kaya kailangan po mag cancel ng check up sa RHU.

September 17 - adult AM only, no PM check up
September 18 - pedia AM only, no PM check up
September 19 - whole day no check up

Thank you. Please take note po ang schedule.

26/08/2025
TINGNAN: Sa ilalim ng inisyatibo ng Bataan Provincial Health Board, na pinamumunuan ni Gov. Joet Garcia, ginanap ang "Pr...
03/08/2025

TINGNAN: Sa ilalim ng inisyatibo ng Bataan Provincial Health Board, na pinamumunuan ni Gov. Joet Garcia, ginanap ang "Primary Care Provider Network - Program Implementation Review cm Strategic Planning", katuwang ang Bataan Provincial Health Office, na pinangungunahan ni Dr. Rosanna M. Buccahan.

Ito ay para sa patuloy na paghahatid ng dekalidad na primary care services ng mga RHUs dito sa Lalawigan ng Bataan, sa kabila ng pagtatapos ng PCPN PhilHealth Konsulta Sandbox, kung saan isa ang Bataan sa mga nangunang magpatupad.

Sa loob ng tatlong araw na aktibidad na ginanap sa The Manor Hotel sa Lungsod ng Baguio, masusing pinagplanuhan ang mga paglalaanan ng pondo para sa nasabing programa gaya na lamang ng mga gamot, bagong kagamitan, at ang mga kinakailangan para sa laboratoryo ng mga mamamayang magpapakonsulta sa mga RHUs.

Bukod dito ay tinalakay din ang estado ng Health Information System; 2025 annual budget ng mga munisipyo at Lungsod ng Balanga; at ang tamang bilang ng human resource para sa mas maayos na paghahatid ng serbisyo pangkalusugan ng mga RHUs bilang primary health care facitilies dito sa Bataan.

Inaral ding mabuti ang kabuuang kinalabasan ng pagpapatakbo sa nagdaang implementasyon ng PCPN Konsulta dito sa lalawigan.

Hangad nito na maipagpatuloy ang nasimulan na sistematikong pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan at ng mga LGUs nito para sa pagpapalawig ng implementasyon ng Universal Health Care Law.

Nakasama rin sa tatlong araw na aktibidad ang mga municipal health officers, municipal at provincial accountants, Provincial Bids and Awards Committee, PhilHealth, E-Med/DBP Data Center Inc. (DCI) at PDOHO-Bataan.

Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang malusog at umuusad na komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeรฑo.


ATTENTION...๐Ÿ“ข๐Ÿ“ข๐Ÿ“ขGood day mga momshie may vaccine po mga baby na nakalista dito SA post, pakidala Lang po sila SA Wednesda...
03/08/2025

ATTENTION...๐Ÿ“ข๐Ÿ“ข๐Ÿ“ข

Good day mga momshie may vaccine po mga baby na nakalista dito SA post, pakidala Lang po sila SA Wednesday (Aug 6) morning po....

SA mga buntis po dito name Meron vaccine Wednesday morning, punta po kayo SA BHS natin, salamat po

Godbless

Related to the said Post..Our BHS will remain CLOSED..Be careful everyone and avoid going to the flood my fellow baranga...
21/07/2025

Related to the said Post..
Our BHS will remain CLOSED..
Be careful everyone and avoid going to the flood my fellow barangay people like the rain to avoid any diseases...

bukas, Martes, Hulyo 22, sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan, pati na rin ang lahat ng ahensya at opisina ng gobyerno sa Lalawigan ng Bataan.

Samantala, patuloy naman po ang operasyon ng mga ahensyang direktang tumutulong at nagpapatupad ng mga emergency operations sa lalawigan sa panahon ng kalamidad.

Ito po ay batay sa rekomendasyon ng Office of Civil Defense (OCD) at ng DILG upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga mag-aaral, empleyado, at ng publiko.
Ayon sa forecast ng PAGASA, posibleng nasa ilalim pa rin tayo ng Orange Rainfall Warning bukas bunsod ng habagat. Inaasahan ang malalakas na pag-ulan at posibilidad ng pagbaha sa mga mabababang lugar.

๐— ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ ๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ผ๐—ป๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—ฐ๐—น๐—ฎ๐˜€๐˜€๐—ฒ๐˜€ ๐—ผ ๐—บ๐—ผ๐—ฑ๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ฟ ๐—ฑ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—น๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ป๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป.

Samantala, nasa pagpapasya po ng mga namumuno ng mga pribadong kumpanya at opisina kung magkakaroon ng pagsuspinde ng pasok sa kanilang mga tanggapan.
Maaari pong tumawag sa mga sumusunod na numero kung kailanganin ang dagliang tulong:
Emergency Hotline - 911
Landline - (047) 613-8888
Smart - 0919 914 6232
Globe - 0927 605 6991
Ibayong pag-iingat po sa lahat.

21/07/2025
21/07/2025

Address

Wakas South
Pilar
2101

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BRGY Health Station, Wakas South posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share