30/01/2026
Magandang Araw po, mga ka-Barangay!
Sa lahat po ng magpupunta sa Health Center para sa Check-up, Bakuna, Family Planning, Dispensing ng gamot at iba pang serbisyong pangkalusugan:
21 years old and above:
Kailangan magdala ng kahit isang VALID ID
20 years old and below (minor at dependent):
Kailangan magdala ng VALID ID o PSA/Birth Certificate at VALID ID ng magulang.
Ito po ay alinsunod sa bagong patakarang ibinaba ng Philhealth para sa pag-avail ng Yakap Services sa ating Health Center.
Kung kayo po ay may katanungan, maari po kayong magtanong sa ating mga BHW o Midwife o mag-message sa ating FB page.
Maraming salamat po sa inyong kooperasyon.