20/08/2025
BUNTIS CONGRESS AT GARANTISADONG PANGBATA|| AUGUST 20,2025
Matagumpay na naisagawa ang Buntis Journey sa Barangay Panggulayan Layunin ng programang ito na magbigay kaalaman, suporta, at inspirasyon sa mga buntis upang masig**o ang ligtas na panganganak at malusog na pamumuhay para sa kanila at sa kanilang mga sanggol.
Dumalo at nakibahagi ang mga Bagong ina ng Barangay Panggulayan — na may dalang sigla at kagalakan upang matuto at makipag-ugnayan sa kapwa ina at mga tagapaghatid ng kalusugan
Naging posible ang matagumpay na programa sa pamamagitan ng masipag na healthcare provider ng barangay — Nurse Ebaraj Ecila — katuwang ang mga Barangay Health Workers (BHW) at Barangay Nutrition Scholars (BNS) at sa bumubuo Ng Sangguniang Barangay Ng Panggulayan na nagsilbing kaagapay sa paghahanda, pagsasagawa, at pagbibigay serbisyo sa mga kalahok.
Ang Buntis Journey ay hindi lamang simpleng pagtitipon — ito ay isang makabuluhang hakbang tungo sa mas ligtas, mas malusog, at mas masayang kinabukasan para kina nanay at baby.
Isinabay din Dito ang Pagbibigay Ng Vit.A at Deworming. Sa ilalim ng programang ito, namahagi ng Vitamin A sa mga batang may edad 6 na buwan hanggang 59 buwan, at nagsagawa rin ng deworming para sa mga batang may edad 12 hanggang 59 buwan.
Layunin ng aktibidad na mapalakas ang resistensya, maiwasan ang malnutrisyon, at masig**o ang mas malusog na paglaki ng mga bata sa komunidad.