DCT ExpressCare Clinic Online

DCT ExpressCare Clinic Online DCT ExpressCare Clinic Online is an online teleconsultation/telemedicine service located in Plaridel

'𝗪𝗔𝗚 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗜𝗣. 𝗠𝗮𝗴𝗽𝗮𝗸𝗼𝗻𝘀𝘂𝗹𝘁𝗮 𝗻𝗮!Ang DCT ExpressCare Clinic Online ay narito upang tugunan ang inyong pangan...
13/01/2022

'𝗪𝗔𝗚 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗜𝗣. 𝗠𝗮𝗴𝗽𝗮𝗸𝗼𝗻𝘀𝘂𝗹𝘁𝗮 𝗻𝗮!

Ang DCT ExpressCare Clinic Online ay narito upang tugunan ang inyong pangangailangang medikal mula sa inyong mga tahanan.

Ngayong tumataas ang kaso ng COVID-19 at marami sa ating mga kababayan ang nangangailangan ng konsulta, ang DCT ExpressCare Clinic Online ay narito.

Click "Book Now!" para makapagschedule ng appointment sa aming doktor. Ito ay mabilis, maaasahan, at abot kaya.

𝗜𝗪𝗔𝗦 𝗖𝗢𝗩𝗜𝗗 𝗧𝗜𝗣𝗦  #𝟭. MAY COVID NA NAMAN?! Mukhang umaakyat ulit ang kaso ng mga nahahawa ng COVID-19 sa Pilipinas. Kahit...
04/01/2022

𝗜𝗪𝗔𝗦 𝗖𝗢𝗩𝗜𝗗 𝗧𝗜𝗣𝗦 #𝟭. MAY COVID NA NAMAN?! Mukhang umaakyat ulit ang kaso ng mga nahahawa ng COVID-19 sa Pilipinas. Kahit Delta o Omicron pa iyan, kailangan nating bumalik sa basics at ipaalam ulit ang mga mabisa at wastong paraan sa pagiwas ng sakit na ito. G?

1) 𝗜𝗦𝗨𝗢𝗧 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗠𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗦𝗞. Ang mask, dapat natatakpan ang BIBIG AT ILONG, dahil dito maaaring malanghap at pumasok ang virus particles na nagdudulot ng sakit na ito. Huwag itong itambay sa ilalim ng baba, o isuot ng kita ang butas ng ilong.
2) 𝗦𝗜𝗚𝗨𝗥𝗔𝗗𝗨𝗛𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗣𝗜𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗡𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗦𝗞. Pumili ng mask na akma sa inyong mukha. Piliin ang mask na may "nose wire" para maiakma ito sa inyong ilong at
3) 𝗦𝗨𝗥𝗚𝗜𝗖𝗔𝗟? 𝗖𝗟𝗢𝗧𝗛? 𝗞𝗡𝟵𝟱? 𝗞𝗙𝟵𝟰? 𝗔𝗟𝗜𝗡 𝗕𝗔? Lahat ng ito ay MABISA sa pagiwas sa sakit na ito, as long as naisusuot ng TAMA. Huwag itong hubarin sa mga pampublikong lugar. Huwag hawakan o kamutin ang ilong habang ito ay nakasuot.
4) 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗬𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗟𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗦𝗞. Kung ito ay madumi na, basa na, o nakasuot na ng higit na apat hanggang walong oras na, palitan na ito. (Huwag manghinayang sa mask, mas mahal magpagamot)
5) 𝗛𝗨𝗪𝗔𝗚 𝗠𝗔𝗚-𝗥𝗘𝗨𝗦𝗘 𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗦𝗣𝗢𝗦𝗔𝗕𝗟𝗘 𝗠𝗔𝗦𝗞. Itapon ito ng maayos pagkagamit. Huwag nang gamitin ulit o hugasan.
6) 𝗛𝗨𝗚𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗜𝗚𝗜 𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗨𝗦𝗔𝗕𝗟𝗘 𝗠𝗔𝗦𝗞. Ibabad at labhan sa sabon at tubig at patuyuin ng mabuti bago gamitin. Huwag mag-reuse hangga't hindi pa nalalabhan.
7) 𝗠𝗔𝗬 𝗞𝗨𝗟𝗔𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗦. Ang wastong pagsuot ng disposable na surgical mask ay ang kulay o logo ng mask ang nakaharap sa labas, at ang puti ang nasa loob. Mas komportable itong suotin kapag ito ay sinunod.
8) 𝗛𝗨𝗪𝗔𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗨𝗢𝗧 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗦𝗞 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗬 𝗩𝗔𝗟𝗩𝗘, dahil nakakatagos ang virus particles dito at maaari kang makahawa o mahawa.
9) 𝗠𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗡𝗨𝗥𝗜 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗦𝗞 𝗡𝗔 𝗕𝗜𝗕𝗜𝗟𝗛𝗜𝗡. Kung ito ay masyadong manipis, o masyadong maluwag sa tenga, ilong, o gilid ng bibig, huwag na itong suotin at palitan.
10) 𝗣𝗔𝗚𝗗𝗢𝗕𝗟𝗘 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗦𝗞. Maaaring magdoble ng mask kung ikaw ay gagamit ng surgical mask sa ilalim at cloth mask sa ibabaw. Huwag magsuot ng dobleng surgical mask. Hindi rin maipapayo na lagyan ng surgical mask ang ibabaw ng isang KF94 or KN95.
11) 𝗣𝗔𝗚𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗗𝗔𝗡𝗔 𝗢 𝗚𝗔𝗜𝗧𝗘𝗥. Hindi nirerekomenda na ito ay gamitin lamang ng mag-isa. Lagyan ng disposable surgical mask sa ilalim nito upang maging protektado.

Sa ibapang karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang CDC, DOH, at WHO page.

Maging mapanuri, magingat, magpakonsulta.
Kung ikaw ay may sintomas ng COVID-19, o gustong magpakonsulta ng ibang sakit, bukas ang aming TELEHEALTH clinic para tugunan ang inyong katanungang medikal. Magsend lamang ng message sa page para malaman!




Sources:
[1]https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/prevent-getting-sick/about-face-coverings.html
[2]https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/your-health/effective-masks.html
[3]https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/prevent-getting-sick/types-of-masks.html

Address

Plaridel
3004

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DCT ExpressCare Clinic Online posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share