02/07/2025
PAALALA SA PUBLIKO TUNGKOL SA ANTI-RABIES VACCINE‼️‼️‼️
Ang mga donasyong anti-rabies vaccine na natanggap ng RHU Polangui ay nakalaan lamang para sa mga ka*o ng Category III.
💉 Ano ang ibig sabihin nito?
Ang kagat, kalmot, pagdila, o anumang uri ng contact mula sa a*o o pusa ay may kanya-kanyang kategorya:
•Category I – Paghipo o pagpapakain sa hayop, walang sugat o galos
•Category II – May gasgas o kalmot na hindi dumudugo
•Category III – Kagat o kalmot na may pagdurugo, laway sa open wound, o pagdila sa mata, bibig, o sugat
📌 Ang bakunang available ngayon ay para lamang sa mga pa*ok sa Category III.
👉🏼 Para sa Category III, kailangang bigyan ng mas malakas na proteksyon laban sa rabies. Ang bakunang ibinibigay dito ay tinatawag na ERIG o Equine Rabies Immunoglobulin.
Ito ay isang espesyal na gamot na tinuturok sa paligid ng sugat para agad mapigilan ang pagkalat ng rabies virus habang hinihintay na umepekto ang regular na anti-rabies vaccine.
⚠️ Paalala:
Ang ERIG na natanggap natin, bagamat ito ay para sa nakagat ng a*o o pusa, isa lamang ito sa mga bakunang kailangang ibigay.
Hindi ito sapat nang mag-isa.
Dapat ay may kasamang ibang klase ng anti-rabies vaccine na itinuturok sa kalamnan upang makumpleto ang proteksyon ng pasyente.
Sa madaling salita, kulang pa rin at hindi sapat ang bakuna na mayroon sa ating RHU at kailangan pa rin ng karagdagang gamot mula sa ibang pasilidad.
📍 Kung tingin ninyo ay kabilang kayo sa Category III, magpunta agad sa RHU Polangui upang ma-assess ng aming doktor at mabigyan ng tamang payo kung saan maaaring makumpleto ang bakuna.
Mas mabuting maagapan kaysa magsisi sa huli.
RHU Polangui – Para sa Kalusugan ng Bawat Polangueño.