23/12/2025
โผ๏ธ LIGTAS-TIGDAS VACCINATION, SISIMULAN NA SA ENERO 2026โผ๏ธ
Inanunsyo ni DOH Secretary Ted Herbosa na sisimulan na ng Department of Health (DOH) ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) o ang Ligtas-Tigdas Vaccination:
โ
Phase 1 (Mindanao at BARMM): January 19, 2026 - February 13, 2026
โ
Phase 2 (Luzon at Visayas): June 2026
Sa pamamagitan ng Ligtas-Tigdas Vaccination, paiigtingin ng kagawaran, katuwang ang lokal na pamahalaan, ang bakunahan kontra tigdas o measles at tigdas-hangin o rubella para mapigilan ang pagkamatay ng mga bata dahil sa sakit.
Mga batang anim na buwan hanggang limang taong gulang ang target na mabakunahan ng DOH.
Ang tigdas at tigdas-hangin ay mabilis na makahawa at nakamamatay. Pero, kung may bakuna ang mga batang anim na buwan hanggang limang taong gulang, protektado na sila sa panganib ng tigdas.
Sa huling tala ng DOH nitong December 6, umabot na sa 4,843 ang kaso ng measles-rubella sa bansa ngayong taon, kung saan 3,511 o 73% ng kabuuang kaso ay hindi bakunado. Ang kabuuang bilang na ito ay mas mataas ng 29% kumpara sa 3,748 na kaso noong taong 2024.
Kabilang sa tatlong nangungunang rehiyon na may pinakamaraming kaso ay:
* National Capital Region: 1,027 kaso
* BARMM: 768 kaso
* CALABARZON: 505 kaso
โPaalala ng DOH: Patuloy pa rin ang pagbabakuna sa mga health centers at itinalagang fixed vaccination sites kahit ngayong holiday season kaya inaanyayahan ang mga magulang na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na health center para sa pagpapabakuna ng kanilang mga chikiting.
Balikan ang PinaSigla Episode 21 dito:
๐https://web.facebook.com/share/p/17CNHEFpTJ/
๐https://www.youtube.com/watch?v=qHuovUM3FCQ&list=PL7amYNiWriCysYdFXyyXQdFeXvmWtBaGz&index=1