
19/09/2025
๐ฟโจ Serbisyong Pangkalusugan para sa Mas Maunlad na Bukas โจ๐ฟ
Naniniwala ang City Health Office na ang kalusugan ay pundasyon ng kaunlaran. Kapag ang isang tao ay malusog, nagiging mas handa siyang magtrabaho, mag-aral, at magtaguyod ng pamilyaโna nagbubukas ng mas magandang kinabukasan. Sa Tarabidan sa Kalusugan (TSK) Program, inilalapit natin ang mga serbisyong pangkalusugan upang mabawasan ang pasanin ng bawat kabahayan. ๐
๐ค Bukod sa regular na programa ng TSK, Noong Hulyo inilunsad natin ang Tarabidan sa Kalusugan para sa mga 4Ps beneficiaries sa tulong ng City Agriculture Office, katuwang ang DSWD MIMAROPA, PhilHealth LHIO Palawan, PSA Palawan, at iba pang partner agencies. Sama-sama nating naihahatid ang mga programang nagtataguyod ng health equity para sa ating mga 4Ps beneficiaries.
๐ Hatid ng Tarabidan sa Kalusugan:
โ๏ธ Libreng konsultasyon, gamot at laboratory tests na naaayon sa YAKAP Program
โ๏ธ Pag-update ng PhilHealth records para sa tuloy-tuloy na proteksyon
โ๏ธ Family planning services
โ๏ธ Seedlings para sa sariling gulayan at dagdag na kita
โ๏ธ National ID services
๐ Sa ngayon, 4,214 4Ps beneficiaries mula sa 11 barangay ang natulunganโat mas marami pang madaragdagan sa mga susunod na linggo.
โจ Ang Tarabidan sa Kalusugan ay kongkretong hakbang ng City Government para manatiling malusog ang bawat taga-Puertoโserbisyong pangkalusugan para sa lahat, lalo na sa mga mas nangangailangan. ๐๐จโ๐ฉโ๐งโ๐ฆ