06/08/2025
Matapos ang mga pag-ulan at bagyo, nariyan ang posibilidad na dumami ang mga lamok na maaring magdala ng dengue, chikungunya at malaria. Dahil dito, tulong-tulong ang mga barangay para suyurin at puksain ang maaring pangitlugan ng mga lamok. Salamat sa masisipag nating mga opisyal ng barangay, at health workers. Isang pagpupugay para sa inyo.
Tara na at tulong-tulong tayo na itaob ang mga naiipunan ng tubig sa ating komunidad upang walang pangitlugan at pamugaran ang mga lamok. Ang pag-iwas sa sakit ay nasa kamay nating lahat. Tandaan kung walang lamok, wala din dengue, chikungunya at malaria.