Ugat ng Kalusugan RH Clinic

Ugat ng Kalusugan RH Clinic Friendly, professional, confidential family planning and prenatal services for free.
(251)

Sa pagtatapos ng 2025, heto ang simpleng regalo namin sa inyo.... ang buong pamilya ng Ugat ng Kalusugan! 🎁Buong puso ka...
25/12/2025

Sa pagtatapos ng 2025, heto ang simpleng regalo namin sa inyo.... ang buong pamilya ng Ugat ng Kalusugan! 🎁

Buong puso kaming nagpapasalamat sa inyo na nagtiwala sa amin para sa inyong reproductive health needs ngayong taon. Masaya kami na kayo rin ay naging bahagi ng aming misyon para sa mas malusog at magandang kinabukasan. πŸŽ€ Sa bawat pagpapatotoo ninyo tungkol sa husay ng aming serbisyo, sa bawat paghikayat niyo sa mga kaanak at kaibigan na kumuha ng libreng serbisyo sa aming mga clinic, kayo mismo ay nagiging mga tagapagsulong ng adhikain na ito. πŸ’–

Nawa’y maalala natin na sa tuluy-tuloy na pagtutulungan, patuloy rin natin na maibibigay ang regalo ng malasakit, pagmamahal, at pag-asa sa bawat pamilya sa susunod pang mga taon. 🌟

Maligayang pasko at manigong bagong taon sa lahat! πŸŽ„

22/12/2025

Kilalanin natin si Geralden – Community Health Advocate (CHA) at ngayon ay Clinic Assistant na ng Ugat ng Kalusugan. Ilaw siya sa kanyang komunidad pagdating sa pagpaplano ng pamilya at pagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng mga kababaihan at kalalakihan. ✨

Dahil sa mga CHA na katulad ni Geralden, tuluy-tuloy ang pagpapaabot ng libreng serbisyo sa higit 200 na pamilya sa kanilang barangay.

Panoorin kwento niya at samahan kami na magtaguyod ng mas malusog at mas magandang kinabukasan para sa mas marami pang pamilya.

Donate now: https://donorbox.org/pamana

ππ€ππ€π“πˆπƒ!!!! πŸ“£πŸ“£πŸ“£πŸ“£Narito po ang opening and closing dates ng aming clinic ngayong holiday season.  Magpaappointment sa ami...
19/12/2025

ππ€ππ€π“πˆπƒ!!!! πŸ“£πŸ“£πŸ“£πŸ“£
Narito po ang opening and closing dates ng aming clinic ngayong holiday season. Magpaappointment sa aming hotline number or page at maaaring hintayin muna ang confirmation bago pumunta sa clinic sa sumunod na araw.
Contact numbers: 0998 381 4686 | 0915 311 9731

Bawat tao sa komunidad ay may bitbit na pangarap para sa kinabukasang nais nilang ipamana. Alamin ang ilan sa mga kwento...
13/12/2025

Bawat tao sa komunidad ay may bitbit na pangarap para sa kinabukasang nais nilang ipamana. Alamin ang ilan sa mga kwentong ito.🩷

Maging bahagi ng paghubog ng isang bukas na mas masaya, mas malaya, at mas puno ng pag-asa. Mag-donate dito: https://donorbox.org/pamana

11/12/2025

Maraming babae ang hindi masyadong pamilyar sa cl!torisβ€”pero mahalagang bahagi ito ng katawan! 🩷

Ang cl!toris, o kung tawagin ng iba ay β€œmani”, ay isang maliit ngunit napakasensitibong organ na matatagpuan sa taas ng bukana ng ari (v***a).

Ito ay may libo-libong nerve endings, kaya ito ang isa sa mga pangunahing bahagi na nagbibigay ng sexual pleasure sa babae.

TANDAAN!
❌ Hindi ito ginagamit para sa pag-ihi o panganganak.
βœ… Lahat ng katawan ay iba-iba, kaya normal ang lahat ng anyo at laki nito.

Ang pagkilala sa sarili mong katawan ay bahagi ng malusog na sexual and reproductive health!

Ano pang topic ang gusto niyong talakayin namin? I-comment na!

ππ€ππ€π“πˆπƒ!!!! πŸ“£πŸ“£πŸ“£πŸ“£π’π€π‘π€πƒπŽ 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐒𝐧𝐠 𝐜π₯𝐒𝐧𝐒𝐜 𝐬𝐚 πƒπžπœπžπ¦π›πžπ« 𝟏𝟐, πŸπŸŽπŸπŸ“, π…π«π’ππšπ².πŸ“£Muli po kami magbubukas sa Saturday, December 13, ...
11/12/2025

ππ€ππ€π“πˆπƒ!!!! πŸ“£πŸ“£πŸ“£πŸ“£
π’π€π‘π€πƒπŽ 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐒𝐧𝐠 𝐜π₯𝐒𝐧𝐒𝐜 𝐬𝐚 πƒπžπœπžπ¦π›πžπ« 𝟏𝟐, πŸπŸŽπŸπŸ“, π…π«π’ππšπ².πŸ“£
Muli po kami magbubukas sa Saturday, December 13, 2025.
Magpaappointment sa aming hotline number or page at maaaring hintayin muna ang confirmation bago pumunta sa clinic sa sumunod na araw.
Contact numbers: 0998 381 4686 | 0915 311 9731

May ilang uri ng contraceptives (lalo na hormonal methods tulad ng pills, injectables, at implants) na maaaring magdulot...
08/12/2025

May ilang uri ng contraceptives (lalo na hormonal methods tulad ng pills, injectables, at implants) na maaaring magdulot ng pagbabago sa timbang, pero hindi ito pare-pareho sa lahat dahil may iba iba ring bagay na dapat tignan kung bakit may pagtaba.

Narito ang ilang tips para sa iyo!

Pwede mo ring bisitahin ang link na ito para matuto tungkol sa iba't ibang available na contraceptives para sayo: https://ugatngkalusugan.org/paano-maiiwasan-ang-pagbubuntis-gamit-ang-ibat-ibang-contraceptives/


ππ€ππ€π“πˆπƒ!!!! πŸ“£πŸ“£πŸ“£πŸ“£π’π€π‘π€πƒπŽ ang ating clinic ngayong araw dahil sa  special non-working holiday. Muli po kami magbubukas sa T...
07/12/2025

ππ€ππ€π“πˆπƒ!!!! πŸ“£πŸ“£πŸ“£πŸ“£
π’π€π‘π€πƒπŽ ang ating clinic ngayong araw dahil sa special non-working holiday. Muli po kami magbubukas sa Tuesday, December 9, 2025.
Magpaappointment sa aming hotline number or page at maaaring hintayin muna ang confirmation bago pumunta sa clinic sa sumunod na araw.
Contact numbers: 0998 381 4686 | 0915 311 9731

Ang n!pple o utong ay natural na bahagi ng katawan, babae man o lalaki. 🩷Pero madalas, may hiya pagdating sa usaping ito...
05/12/2025

Ang n!pple o utong ay natural na bahagi ng katawan, babae man o lalaki. 🩷

Pero madalas, may hiya pagdating sa usaping ito. Kaya dapat tandaan na ang pag-alam at pagmamahal sa katawan ay ang unang hakbang para masigurong malusog at ligtas ka.

I-click ang mga larawan sa ibaba para matuto.


Isa sa mga pinakakinatatakutan ng bawat magulang... πŸ˜”Hindi kailangang maipamana ang cycle ng pang-aabuso sa isang relasy...
03/12/2025

Isa sa mga pinakakinatatakutan ng bawat magulang... πŸ˜”

Hindi kailangang maipamana ang cycle ng pang-aabuso sa isang relasyon. Kung hindi ganito ang future na gusto mo para sa anak o magiging anak mo, end the cycle. πŸ«‚

Sa bawat pamilyang Pilipino, may mga pamana na hindi nasusukat sa pera o pag-aari. Madalas, simpleng recipe langβ€”isang u...
01/12/2025

Sa bawat pamilyang Pilipino, may mga pamana na hindi nasusukat sa pera o pag-aari. Madalas, simpleng recipe langβ€”isang ulam na laging inihahain tuwing may selebrasyon, o lasa ng pagkaing nagbabalik ng alaala ng mga mahal natin. 🍲

Ito ang mga pamanang nagdurugtong ng henerasyon, at nagpapaalala kung saan tayo nanggaling. ❀️

πŸ‘‰ Ikaw, anong recipe ang pinaka-naaalala mo mula sa pamilya? Share below.

Kapag ang isang bata ay namulat sa buhay kung saan tino-tolerate o hinahayaan lang ang mga red flags na gaya ng physical...
28/11/2025

Kapag ang isang bata ay namulat sa buhay kung saan tino-tolerate o hinahayaan lang ang mga red flags na gaya ng physical, verbal, at emotional abuse, nagiging β€œnormal” ito sa mga mata nila kaya may malaking posibilidad na pagtanda nila ay tatanggapin lang nila ang ganitong klase ng pagtrato.🚩

Ganito ba ang gusto mong ipamana sa anak mo? Wag maging bulag at tahimik sa red flags! Manindigan para sa sarili βœŠβ€οΈβ€πŸ©Ή Ikaw, anong kwentong pamana mo?

Address

401 Karldale Square, San Pedro
Puerto Princesa
5300

Opening Hours

Monday 8:30am - 4:30pm
Tuesday 8:30am - 4:30pm
Wednesday 9am - 4:30pm
Thursday 8:30am - 5pm
Friday 8:30am - 5pm
Saturday 8:30am - 5pm

Telephone

+639985894159

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ugat ng Kalusugan RH Clinic posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Ugat ng Kalusugan RH Clinic:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram

Our Story

Mabait, magaling at mapagtitiwalaan.