03/06/2025
‼️‼️‼️
Mga Dapat Malaman Tungkol sa MPOX (Monkeypox)
Ang Mpox ay isang sakit na dulot ng monkeypox virus. Ito ay maaaring maipasa sa pamamagitan ng malapitang kontak sa taong may sintomas, partikular na sa mga sugat sa balat, likido mula sa katawan, droplets mula sa ubo o pagbahing, at gamit ng may sakit gaya ng damit, beddings, o tuwalya.
👉 Karaniwang Sintomas ng Mpox:
• Lagnat at panginginig
• Sakit ng ulo at katawan
• Pamamaga ng kulani
• Rashes o pantal na maaaring maging paltos at sugat, madalas sa mukha, kamay, paa, at ari
• Pagkapagod
⚠️ Kung ikaw ay na-expose o may kakilala kang may sintomas ng Mpox, agad na makipag-ugnayan sa aming Emergency Service Unit.
📞 Tumawag sa 0906 448 7439 o 0908 813 0866.
⏰ Kami ay laging handa upang tumugon at magbigay ng tamang gabay at tulong medikal.
💡 Ugaliing magsuot ng mask, umiwas sa matataong lugar, at panatilihin ang kalinisan upang makaiwas sa sakit.