San Pedro Westwood Health Center

San Pedro Westwood Health Center Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from San Pedro Westwood Health Center, Medical and health, Mangingisda, Puerto Princesa.

12/04/2022

Tama ba na kapag wala pa ang unang regla, 'di pa posibleng mabuntis? Actually, hindi!

Hayaan mong ipaliwanag namin sa'yo kung bakit chismis lang 'yan: ugatngkalusugan.org/chismis-o-check-mabubuntis-ba-kahit-di-pa-nagkakaroon-ng-unang-regla/

11/04/2022

Alam mo bang normal lang ang ma********on at wala itong negatibong epekto sa kalusugan? Madaming sabi-sabi tungkol sa ma********on na wala namang katotohanan.

Nag-handa kami ng maikling video tungkol dito para mas maintindihan mo. Abangan sa darating na April 13, 2022!

Hatid sa inyo ng Roots of Health, Austrian Embassy Manila, at AMAZE.org.

07/04/2022

ANO ANG PAP SMEAR?

Ang Pap Smear ay tinatawag ding Pap Test, ito ay isang pamamaraan o procedure na ginagawa para sa mga kababaihan upang malaman ang kondisyon ng cervix (pwerta ng matres). Ito ay isang madali at maagang pagsusuri upang makatulong upang matukoy ang kondisyon na cervical cancer o kanser sa matres.
Ito ay bahagi ng pag-iingat sa kasalusugan ng mga kababaihan. Kailangang magpapap-smear ang lahat ng mga babae simula sa oras na sila’y nagging aktibo na sa pakikipagtalik (in*******se) at kailangang ituloy ito hanggang sa edad 70.
Tumataas ang panganib ng kanser sa cervix habang tumatanda. Kapag higit 50 taong gulang ay kailangan pa rin ng Pap Smear: kung aktibo pa sa pakikipagtalik, kahit hindi na nakikipagtalik, kahit na nag-menopause na (wala nang pagdurugo mula sa buwanang pagregla), at kahit nagpa-hysterectomy(surgery ng pagtanggal ng matres).

Hindi paglilinis ng matres ang Pap Smear. Ito ay isang screening test para malaman ng maaga kung ang isang babae ay maaaring magkaroon ng cervical cancer. Dapat tandaan na ang mas madaling gamutin at maaagapan ang problema sa kuwelyo ng matris kung malalaman kaagad.

PAANO ITO GINAGAWA?

Ang pasyente ay papapwestuhing ng nakahiga nakatupi ang mga tuhod ang mga talampakan ay nakalapat sa k**a o sa sadyang lagayan ng mga paa. Dapat relaxed ang pasyente at magkahiwalay ang mga tuhod. May ipapasok na speculum o bakal sa loob ng bahina upang makita ang cervix o kuwelyo ng matris. May gagamitin na brush or mahabang cotton buds upang makakuha ng sample mula sa cervix. Ito ay ipapahid sa isang bubog na parihaba o glass slide o kung minsan ay isang lalagyan na sinasarhan upang ipadala sa laboratoryo at maexamin. Pagkatapos nito ay tatanggalin na ang speculum.

22/03/2022

Ang s*xually transmitted infections o STIs ay mga sakit na naihahawa sa hindi maingat na pakikipagtalik. Narito ang mga pangunahing kaalaman tungkol dito.

02/02/2022

π—žπ—”π—•π—”π—§π—”π—”π—‘, π—”π—Ÿπ—”π—  𝗠𝗒 𝗕𝗔?
Noong taong 2019, halos 500 na kabataang Pilipina ang nanganganak araw-araw.

18/01/2022
27/12/2021

Ikaw ba ay:
βœ…14-24 years old
βœ…Nakatira sa Puerto Princesa

Inaanyayahan ka naming makilahok sa 2021 Youth Survey! Ang iyong partisipasyon ay lubos na makakatulong upang makabuo ng mga adbokasiya at proyekto para sa bawat kabataan tungkol sa iba't ibang isyu na mahalaga sa inyo.

Sagutin lamang ang survey na ito: https://bit.ly/ROHYouthSurvey2021

Ang mga kwalipikadong sumagot ng survey ay makakatanggap ng P50 load incentive.

SALI NA!
14/12/2021

SALI NA!

This is how IUD works πŸ˜‰
07/12/2021

This is how IUD works πŸ˜‰

02/12/2021

‼️PABATID‼️

Wala pong 1st doses ngayong Biyernes at Sabado (Dec. 3-4, 2021). Upang bigyang prioridad ang maraming DUE of 2nd DOSES sa mga araw na ito.

Para po sa mga pumunta sa City Coliseum kanina at nasabihang bumalik bukas, mangyaring HUWAG na munang bumalik bukas at antabayanan nalang muna ang mga susunod pang updates at anunsyo.

MARAMING SALAMAT PO SA INYONG PANG-UNAWA AT KOOPIRASYON.

02/12/2021

May serious health risks ba ang sobrang pagma-masturbate? Kahit na maraming mga sabi-sabi tungkol sa "mga panganib" ng ma********on, ito ay ligtas. Ang ma********on ay hindi physical o emotional na nakakapinsala sa anumang paraan.

Sa katotohanan, ang ma********on ay ang pinakaligtas na paraan ng pakikipagtalik dahil wala itong panganib ng pagbubuntis o impeksyon. Posible na ang madalas na pagbabate ay magdulot ng skin irritation, ngunit ang paggamit naman ng lubricant ay maaaring makaiwas na ito ay mangyari.

Abangan ang launch ng ugatngkalusugan.org… COMING SOON!!

This project is brought to you by Roots of Health with the support of the Embassy of Canada in the Philippines through Canada Fund for Local Initiatives (CFLI).

01/12/2021

The COVID-19 pandemic has resulted in increased vulnerabilities for people living with HIV/AIDS and those at risk of getting the virus.

Despite the urgent need to address the pandemic, s*xual health services such as HIV testing and treatment must not take a back seat. Roots of Health continues to provide access to these essential life-saving services--especially to young people; persons of diverse s*xual orientation, gender identity and expression and s*x characteristics; and other vulnerable communities--in order to end the threat of HIV by 2030.

End inequalities. End AIDS.

Address

Mangingisda
Puerto Princesa
5300

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Pedro Westwood Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram