
07/05/2022
🌸 Girls, nagpapa PAPSMEAR ka ba ng regular?🌸
Ano nga ba ang Pap Smear o Pap Test?
Ito ba ay paglilinis ng matris?
📌 Ang Pap Smear o Pap Test ay para sa mga babae at ginagawa upang malaman ang kondisyon ng iyong cervix (bukana ng matris).
📌 Ang Pap Test ay bahagi ng pag-iingat sa kalusugan ngunit HINDI ITO PAGLILINIS NG MATRIS tulad ng inaakala ng karamihan.
📌 Kumukuha ng sample ng selula sa cervix o bukana ng matris gamit ang cotton swab at inilalagay sa slide upang siyasatin kung mayroong mga di-pangkaraniwang pagbabago sa selula ng matris sa pamamagitan ng mikroskopyo.
📌 Kung ang mga pagbabagong ito ay makita at makontrol ng mas maaga, maaaring maiwasan ang higit sa 90 porsiyento ng pinakapangkaraniwang kanser sa matris.
📌 Ang pinakatamang panahon para sa Pap Test:
1. Dalawang linggo pagtapos ng buwanang dalaw o regla
2. kapag hindi kayo nakipagtalik ng 3-4 araw bago magpaeksamin
3. at kapag hindi kayo naglagay ng kahit ano sa inyong va**na, gaya ng foam o gamot ng dalawang araw (48 oras)
📌 Kailangang magpa-Pap Test ang lahat ng mga babae oras na sila’y nag-umpisang makipagtalik (in*******se) isang beses sa loob ng isang taon at kailangan nila ituloy ito hanggang sa edad na 70 man lamang.
📌 Tumataas ang kapanganiban ng kanser sa cervix habang tumatanda. Kapag higit 50 taong gulang ay kailangan pa rin ng Pap Test : kung nakakaranas kayo ng pagtalik, kahit hindi kayo nakikipagtalik, kahit na nag-menopause na kayo (wala nang pagdurugo mula sa buwanang pagregla), at kahit nagpa-hysterectomy na kayo.