02/12/2021
Magandang umaga po sa lahat. 🙏
Ngayong araw po ay tatanggalin na ang catheter ni Kofie at kapag natanggal po iyon ay monitoring padin po siya sa vet hanggang sa kusa na siyang makaihi. Dalangin po namin na sana ay makaihi na siya at wala na pong dugo ang lumabas, upang payagan na po siyang makauwi. Kapag makauwi na siya sa bahay ay amin naman siyang imomonitor ng mabuti hanggang sa humilom na ang kanyang tahi. At sana tuloy-tuloy na ang normal na pag-ihi niya.
Pero bago po siya makauwi ay need nadin po naming bayaran ang kabuuan ng bill. Aside sa 13k na operasyon, na ginawa na po ng vet clinic kahit wala pa pong bayad, ay may additional na po ulit today na 1,600.00 for confinement, everyday po hanggang sa makalabas si Kofie.
Kung makalabas naman na po si Kofie ay need na po namin agad makabili ng medicines niya. Mahal din po ang medicines at ang ibinigay na dapat niyang kainin ay Renal.
Sa donasyon na tulong po ninyo ay sana makaipon po agad kami nang pambayad sa operasyon at days ng confinement. Sa magiging sobra naman po kapag nakabayad na sa vet ay sana ang lahat nang pangangailangan ni Kofie ay maibigay po natin hanggang sa paggaling niya.
Hindi pa din po namin alam kung ilang araw pa magtatagal sa vet si Kofie. Kaya sa mga nais pa pong magbigay ng kanilang tulong kahit sa maliit na halaga po, kahit piso, ay malaking tulong na po kay Kofie kaya maraming salamat po
Hindi pa po sapat ang pera namin at kasama narin po ang pera na galing po sa mga donasyon ng aming mga kaibigan, kamag-anak, at mga nagbigay nadin po sa aming fb friends at groups.
Nawa ay maisama niyo narin po sa inyong mga panalangin si Kofie para mapabilis ang kanyang paggaling.
1st video kuha po kahapon
2nd video kuha po ngayong madaling araw
Godbless us all!
0948 948 308 5 / 0963 867 025 6
Muli maraming salamat po sa lahat. 🙏