18/01/2023
Acute Rheumatic Fever
An Overview:
Ang Rheumatic Fever (RF) ay sanhi ng abnormal na pagtugon ng katawan sa impeksyon na dulot ng streptococcal bacteria na kung tawagin ay Staphyloccocus Aureus (GAS) na karaniwang nagsisimula bilang namamagang lalamunan o tonsilitis sa mga bata at mga young adults worldwide.
WHO IS AT RISK:
❤️ karaniwan ito sa mga bata edad 5 years old hanggang 15 years old (ngunit ang Rheumatic Fever at Rheumatic Heart Disease ay maaari din magsimula sa kahit anong edad ng tao).
❤️Mga taong dumaranas ng paulit-ulit na strep throat infection
❤️ Mas common ang sakit na ito sa mga babae kesa sa mga lalaki
❤️ mas common ito sa mga taong nakatira sa 3rd world countries gaya ng Pilipinas, nakatira sa isang over-crowded na community, lugar na may poor sanitation, low socioeconomic urban areas.
❤️Mga taong may poor hygiene
❤️Mga taong nangaling sa bansa o di kaya mga lugar kung saan talamak ang rheumatic fever at at iba pang mga kondisyon na madaling magresulta sa mabilis na pagkalat sa strep bacteria.
Magpakonsulta sa isang cardiologist kapag ikaw ay nakaranas ng mga sumusunod na symptomas:
⚠️lagnat (greater than or equal to 38.5 degrees celcius)
⚠️tachycardia or mabilis na tibok ng puso habang natutulog
⚠️anorexia (walang gana kumain)
⚠️body malaise or hindi mabuting pakiramdam or panghihina
⚠️pananakit ng tyan na may kasamang pagkawalan ng ganang kumain
❕American Heart Association Revised Jones Criteria for ARF:
✅Major Criteria para sa mga low risk, moderate to moderate high risk population
🩺carditis o ang pamamaga ng puso
🩺polyartritis o ang medical term for arthritis ay ang pamamaga ng mga joints. Ang pinaka common joints na naaapektuhan ng arthritis ay ang mga sumusunod:
- Joint sa paa
- Sa bukung-bukung or ankle
- Kamay, pala pulsuhan, mga daliri
- Balakang, binti, ibabang bahagi ng likod at leeg
🩺chorea o ang jerking movement or abnormal na involuntary movement disorder ng arms, legs or facial muscles.
🩺Erythema marginatum ang tawag sa rashes na kulay pink na non pruritic (hindi makati) , non tender (hindi masakit), na evanescent( unti unting nawawala) na karaniwang makikita sa ating chest area, back part and sa abdominal area minsan sa ating mga limbs (braso at legs).
🩺subcuatneous nodules o tumutukoy sa small bumps sa ilalim ng ating balat.
✅Minor Jones Criteria
🩺 pagkakaroon ng elevated laboratory findings (CRP at ESR)
🩺pagkakaroon ng pagbabago sa ECG ng pasyente
🩺lagnat na umaabot ng 38.5 degrees celsius pataas
🩺polyarthralgia. O di kaya monoarthralgia
❕❕Tandaan:
- tandaan na ang onset ng symptoms ng ARF ay karaniwang nagsisimula 2- 3 weeks pagkatapos magkaroon ng strep infection.
✅Paano nada-diagnose ang Rheumatic Fever?
⭐️ walang specific na test for rheumatic fever. Ang diagnosis ng rheumatic fever ay binabase sa clinical findings ng doctor. Ang clinical diagnosis ng doctor ay base sa alinman sa dalawa:
1. Two major or
2. One major and two minor clinical features or criteria na makikita sa American Heart Association Revised Hones Criteria for RF.
🤔Paano ma prevent ang pagkakaroon ng Rheumatic Fever?
👉 iwasan magkaroon ng strep throat infection sa pamamagitan ng pagkakaroon ng good hygiene s akatawan. Ugaliing magsipilyo tatlong beses sa isang araw.
👉kapag ikaw ay nakaranas ng strep throat infection, huwag balewalain. Kumunsulta agad sa doctor para maresetahan ng tamang antibiotics. Wag mag self medicate.
Kapag nakaranas ng alinman sa mga nabanggit na symptomas, mas mabuting kumunsulta agad sa inyong doctor or sa isang cardiologist.
Para magpa konsulta, pls call/viber or sms ang aking secretary na si Ms. Eve sa numerong 0906-594-0791. Maari din magpa appointment gamit ang aming website: https://seriousmd.com/doc/ramon-christopher-mendoza