Dr. Gina Canlas-Domingo: Pediatric Cardiologist

Dr. Gina Canlas-Domingo: Pediatric Cardiologist 🧿Board-Certified Pediatric Cardiologist by the PHA/PSPC
Board-Certified Echocardiographer by the PSE
(18)

30/04/2026

Salamat sa matiyagang naghiwa ng fruits and veggies ko tonight. Ilang bottles of juices kaya ito?🙃🍎🥕🍊🍋🥒

Commercial: Kung iba happy sa gadgets, ako with my new “toy”. This is what advancement in technology looks like. Ang say...
30/04/2026

Commercial: Kung iba happy sa gadgets, ako with my new “toy”. This is what advancement in technology looks like. Ang saya!🩺

Uuwi na si AIKHI today!🥰 13 years in the making ito. He looks so good na. Lumiit na ang napakalaking puso pagkatapos ng ...
30/04/2026

Uuwi na si AIKHI today!🥰 13 years in the making ito. He looks so good na. Lumiit na ang napakalaking puso pagkatapos ng operation. GOD has been good.🙏🏻



*posted with permission

30/04/2026

‘Yung 3 buwan kang di nakaoag-bottle feed, mami-miss mo talaga. 1st day din na walang oxygen! Galing-galing naman ng baby na yan!👏🏻 *shared with permission

Thank You, Sir Mun and Gov. Toto Tan of Jolo, Sulu.❤️🙏🏻
29/04/2026

Thank You, Sir Mun and Gov. Toto Tan of Jolo, Sulu.❤️🙏🏻

Si Jerson ang kauna-unahan kong patient from SULU. Ang pina-kuya ng lahat. 12 years old pa lang sya noon…ngayon, 17 na s...
29/04/2026

Si Jerson ang kauna-unahan kong patient from SULU. Ang pina-kuya ng lahat. 12 years old pa lang sya noon…ngayon, 17 na sya at senior high, planning to take up Civil Engineering.

Napakalaki na ng pagbabago…dati chess lang ang sport na kayang gawin. After TOF repair, wala ng limitations.

Binata na. Naramdaman ko na tumatanda na talaga ako. Pero mas grateful ako na mawitness ang milestones sa buhay ng mga batang ito.

Na-miss kita, Mommy Arnie!❤️



*posted with permission

Nakakatuwa ang comment na ito.🥰Maraming Salamat po, online Titos and Titas for being the kids’ prayer warriors.🙏🏻Dati, y...
27/04/2026

Nakakatuwa ang comment na ito.🥰

Maraming Salamat po, online Titos and Titas for being the kids’ prayer warriors.🙏🏻

Dati, yung mga kwento, nagiinspire lang sa mga loved ones na ilaban ang mga mahal sa buhay na may sakit sa puso. Now, itong mga kwento na ito ay nakakaabot sa marami para tulungan ang mga bata gumaling sa pamamagitan ng panalangin.

Marami pa rin talagang mabubuting tao. Keep praying for these children.❤️


27/04/2026

Ang leads ay mga kable o wires na nakakabit mula sa battery papunta sa puso.
Gawain:
⚡️Dinadala ang electrical signal mula sa battery papunta sa puso.
⚡️Nakakaramdam (sense) ng sariling tibok ng puso.
🫀Nakatahi sa labas ng puso.

Ang battery ay bahagi ng pacemaker na tinatawag ding pulse generator.
👉 Ito ang “utak at power source” ng device.
Gawain:
⚡️Nagbibigay ng electrical impulses para patibukin ang puso
⚡️Kinokontrol ang rate at timing ng tibok
⚡️Nakalagay sa ilalim ng balat (karaniwan sa
area ng tiyan).

Ang araw na ito ay araw ng pasasalamat. Sa mga tagumpay, improvements, small wins. Noong dumaan ako sa chapel bago lagya...
27/04/2026

Ang araw na ito ay araw ng pasasalamat. Sa mga tagumpay, improvements, small wins. Noong dumaan ako sa chapel bago lagyan ng pacemaker si Gab, sabi ko lang…ipinauubaya ko po sa inyo ang recovery ni Elio, Aikhi, Niño at Gabgab.

Salamat, Lord sa laging pagtupad ng kahilingan ko.🙏🏻

PHC at night.🏥

80 days!🥰30 days sa Surgical ICU. 50 days sa Pedia ICU. My dear Niño, humaba na ang hair mo. I cannot begin to tell you ...
27/04/2026

80 days!🥰

30 days sa Surgical ICU. 50 days sa Pedia ICU.

My dear Niño, humaba na ang hair mo. I cannot begin to tell you kung paano mo ko tinuruan magdasal ng mas mataimtim, maging patient at magtiwala sa proseso. May mga panahong nagsisimula na ko magtanong kung ano ba ang mangyayari sa ‘yo. Ilang beses nating sinubukan tanggalin ka sa ventilator pero lagi kang maputla, hingal at pawis.

Tinuruan mo kami sa maraming paraan. Pero pinaalala mo sa amin, na hindi kami, kungdi si Lord ang bahala sa atin.

You are a living testament of GOD’s love and mercy. Salamat, Baby Boy sa paglaban. Konti na lang.🙏🏻



*shared with permission

Ito yung mga moments na lagi naming ipinagdadasal…yung masayang reunion ng family. This is probably a family photo na la...
27/04/2026

Ito yung mga moments na lagi naming ipinagdadasal…yung masayang reunion ng family. This is probably a family photo na lahat kami gusto namin makita.

Konti na lang, Niño!❤️



*posted with permission

BAKIT MAGKAHIWALAY ANG MULTIVITAMINS AT ASCORBIC ACID?Hindi aksidente na magkahiwalay ang multivitamins at ascorbic acid...
27/04/2026

BAKIT MAGKAHIWALAY ANG MULTIVITAMINS AT ASCORBIC ACID?

Hindi aksidente na magkahiwalay ang multivitamins at ascorbic acid (vitamin C) sa maraming supplements ng bata. May ilang practical at scientific na dahilan:

🧪 1. Stability ng formulation
Ang vitamin C ay acidic at madaling ma-oxidize. Kapag isinama sa ibang vitamins (lalo na sa liquid form), puwede nitong:
* pababain ang stability ng ibang vitamins (gaya ng B-complex)
* magbago ang lasa at kulay
* bumilis ang pagkasira ng produkto
👉 Kaya mas stable kung hiwalay siya.

⚖️ 2. Mas flexible ang dosing
Hindi lahat ng bata pareho ang kailangan:
* Ang multivitamins → maintenance (daily baseline nutrients)
* Ang vitamin C → minsan higher dose kapag may sakit (gaya ng sipon)
👉 Kung hiwalay, madaling i-adjust ang vitamin C nang hindi naaapektuhan ang ibang vitamins.

🍊 3. Lasa at tolerability
Ang vitamin C ay:
* maasim
* puwedeng mag-cause ng stomach discomfort sa iba
👉 Mas madaling gawing masarap at tanggapin ng bata kung hiwalay ang formulation.

💊 4. Iwas overdose
Kapag pinagsama lahat:
* may risk na sobra ang vitamin C kung iinom pa ng dagdag (common kasi ito binibigay pag may sakit)
👉 Hiwalay = mas kontrolado ang intake.

📌 Bottom line
Magkahiwalay sila para:
* mas stable ang produkto
* mas flexible ang dosing
* mas tolerable sa bata
* mas ligtas laban sa overuse

Address

PCMC
Quezon City
0850

Telephone

+639175109579

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dr. Gina Canlas-Domingo: Pediatric Cardiologist posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Dr. Gina Canlas-Domingo: Pediatric Cardiologist:

Share

Category