02/08/2025
Celebrate this day with us! Come and Join πβ₯οΈ
Isang Malugod na Pagbati! π
Congratulations po sa lahat ng Teams na nakilahok at higit sa lahat ay sa Team LGU na nag champion sa Open League Division! π
Sa pagtatapos po ng ating matagumpay na barangay paliga, kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa, nakilahok, at sumuporta mula umpisa hanggang dulo lalong lalo na po sa lahat ng mga koponan mula sa ibaβt ibang barangay na buong pusong naglaro at nakiisa
β’ Tagbacan Ilaya
β’ Ooyon
β’ Kawayanin Ilaya
β’ QUATRONians
β’ Milagrosa
β’ Pordan Hardware
β’ Suwail na Anak
β’ Batang Converge Boleros
β’ Sentinel
β’ LGU
β’ Cultivators
β’ X2X
β’ MSS
β’ Ajos
β’ San Roque Unbeatable
β’ Anusan
β’ SLA Batch '96
β’ Block Madulao
At higit sa lahat, sa atin pong mga kabarangay ng Tagbacan Ilaya na aktibong lumahok sa Intercolor Games tunay pong naging makulay at makabuluhan ang paligsahan dahil po sa inyo. Salamat po!β€οΈ
At siyempre, isang taos-pusong pasasalamat din po sa ating masisipag at mahuhusay na Referee Committee, sa pangunguna ni Sir Allan Reyes at ng kanyang mga katuwang, na naging katuwang sa patas at maayos na daloy ng bawat laro.
Lubos din po ang aming pasasalamat sa Table Committee β kay Ms. Joy Montances at Mr. Eric Dolar β sa kanilang dedikasyon at walang sawang suporta sa buong paliga.
Hindi rin po magiging posible ang lahat ng ito kung wala ang buong Sangguniang Barangay, sa pangunguna ng aming mahal na Kapitan Celso Lubos, at lalo na kay Kgwd. Ruel Linatoc Linatoc, na naging isa sa mga pangunahing katuwang at punong abala sa palatuntunan.
At panghuli, mula sa amin pong mga Sangguniang Kabataan, na pinamumunuan ni SK Chairperson Fonseca Angela , maraming salamat po sa inyong tiwala at patuloy na pagsuporta sa kabataang Tagbacan Ilaya.
Kung may mga pagkukulang man po kami sa pamamalakad ng paliga, amin po itong buong kababaang-loob na tinatanggap at kami po ay nagmumula sa puso sa paghingi ng inyong pang-unawa.
INAANYAYAHAN PO NAMIN KAYO! π
Bilang pagdiriwang ng ating tagumpay at pagkakaisa, magkita-kita po tayo sa isang masayang Victory Party!
π
Agosto 2, 2025 (Sabado)
π 6:00 PM
π Brgy. Tagbacan Ilaya Covered Court
Sama-sama po tayong magsaya, magpasalamat, at magdiwang! Inaanyayahan po ang lahat lalo na ang mga teams na lumahok, maging ang ating mga kabarangay, upang sabay-sabay nating alalahanin at ipagdiwang ang tagumpay ng ating ginanap na paliga .
Maraming, maraming salamat po mula sa aming mga puso. Hanggang sa muli! π€