02/04/2022
Ano ang pinagkaiba ng ascorbic acid at sodium ascorbate? Saan naman sila nagkaka-pareho pagdating sa epekto sa katawan?
Taglay ng dalawa ang vitamin C -- isang uri ng bitamina na mahalaga para sa ating katawan sapagkaโt nakakapagpanatili ito ng kalusugan ng ating balat, ngipin, buhok, gilagid. Napakahalaga ng vitamin C dahil nakakatulong ito sa pagpapabagal ng paglabo ng mga mata at paghina ng buto.
Bagamaโt pareho silang may vitamin C, ang sodium ascorbate ay inirerekomenda para sa mga taong acidic o laging sinisikmura. Ang taong acidic ay may kondisyon kung saan ang kanilang katawan ay nagpo-produce ng madaming acid sa tiyan.
Ang sodium ascorbate ay may kasamang sodium na tumutulong sa pagpapababa ng acidity level ng vitamin C sa katawan. Dagdag pa dito, nagagawa ng sodium na mas mapakapit, mapadali ang pag-absorb, at mapanatili ang vitamin C sa loob ng katawan, nang sa ganun ay makuha natin ang kabuuang epekto nito.
Mga sakit at karamdaman na maiiwasan sa tulong ng non-acidic vitamin C
Para sa mga taong acidic, mahalagang alamin ang acid level ng isang gamot upang makaiwas sa anumang kumplikasyon o anumang pinsala na maaaring idulot nito.
Ang pag-inom ng non-acidic vitamin C gaya ng sodium ascorbate ay halos walang pinagkaiba sa ascorbic acid pagdating sa overall health benefits . Pero napakalaki ang naitutulong nito sa pag-iwas sa mga sumusunod na sakit at karamdaman:
Abdominal Pain
Hyperacidity
Diarrhea
Heartburn
Stomach Irritation