28/07/2025
Binabati ng National Children's Hospital ang Philippine Society for Developmental and Behavioral Pediatrics (PSDBP) sa matagumpay na pagdaraos ng parent training webinar na pinamagatang "Building Strong Foundations: Practical Parenting Strategies to Support Development, Behavior and Emotional Well-being from Early Childhood Onwards", bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanilang Silver Anniversary. Ang programang ito ay nagbigay ng mahahalagang kaalaman at praktikal na gabay para sa mga magulang, tagapag-alaga, health professionals, at allied health practitioners para suportahan ang debelopment ng bawat bata.
Ang programang ito ay pinangunahan ng PSDBP Committee on Continuing Professional Development (CPD) sa pamumuno ng isa sa ating mga Neurodevelopmental consultant dito sa NCH na si Dr. Florita Yambao-dela Cruz, katuwang ang kanyang masigasig na team, si Dr. Leanith Agustin-Haya, isa ring neurodevelopmental pediatrician na nagsilbing moderator, at ng mga speakers na kilalang eksperto sa kani-kanilang larangan:
si Dr. Erik Estrada, isang Neurodevelopmental Pediatrician;
si Teacher Lady Suarez, isang Occupational Therapist;
si Teacher Suselyn Pascual, isang Speech and Language Pathologist;
at si Dr. Elham Bocalbos, isang Child and Adolescent Psychiatrist.
Nagagalak kaming makita ang lahat ng magulang, tagapag-alaga, at mga propesyonal na nakiisa at sumuporta sa programang ito.
Maaaring mapanood muli ang webinar at i-download ang hand-outs sa mga sumusunod na link:
- Link ng Recording ng Webinar:
https://www.facebook.com/devpedphil/videos/601378689406864
https://www.youtube.com/live/tAlBA2sH1JM?si=GwXpHfl6Z5dPVZEg
-Link ng Hand-outs:
https://myqrcode.mobi/qr/935cd301/view
Patuloy nating suportahan ang bawat programang handog ng PSDBP na naglalayong mas i-empower at gabayan ang bawat pamilya para sa debelopment ng kanilang mga anak. 🙂