01/11/2025
Pagpupugay sa mga Bagong Qawaning Doktor ng Bayan!
Ang buong pamunuan ng Pang-alaalang Sentrong Medikal Quirino ay buong pusong bumabati sa mga Post-Graduate Medical Interns Graduates ng QMMC na matagumpay na nakapasa sa katatapos lamang na Physician Licensure Examination nitong Oktubre 2025.
Ang inyong tagumpay ay patunay ng walang humpay na sipag, dedikasyon, at malasakit sa paglilingkod sa sambayanan. Sa bawat hakbang ninyo tungo sa propesyon ng medisina, bitbit ninyo ang diwa ng Serbisyong Dekalidad at Alagang QMMC.
Lubos kayong ipinagmamalaki ng inyong QMMC Family!