RAT Medical Clinic - LTO East Avenue Accredited Medical

RAT Medical Clinic - LTO East Avenue Accredited Medical R.A.T. Medical Clinic is an LTO Accredited Medical Clinic issuing Medical Certificates for LTO license applicants.

23/03/2023

๐— ๐—ฎ๐˜…๐—ถ๐—บ๐˜‚๐—บ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ฐ๐—ฟ๐—ถ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฑ ๐—ฅ๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐˜€, ๐—œ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐˜๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ๐—ฑ
๐—Ÿ๐—ง๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐——๐—ฅ๐—œ๐—ฉ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—–๐—›๐—ข๐—ข๐—Ÿ: ๐—•๐—”๐—ช๐—”๐—Ÿ ๐—”๐—ก๐—š ๐—ข๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—ฃ๐—ฅ๐—œ๐—–๐—œ๐—ก๐—š

NAGTAKDA na ang Land Transportation Office (LTO) ng pamantayang halaga ng sisingilin ng mga pribadong driving institution sa mga aplikante ng lisensya ng pagmamaneho.

Kasabay nito ang mahigpit na babala ni LTO Chief Jay Art Tugade na maaaring managot o mapagmulta ang ano mang driving school na maniningil ng labis o hindi makasusunod sa isinasaad ng pinagtibay na Memorandum Circular No. JMT-2023-2390 o "Omnibus Guidelines on the Accreditation, Supervision, and Control of Driving Institutions, and the Standardization of Driver and Conductorโ€™s Education."

Magiging epektibo o iiral ang Memorandum Circular No. JMT-2023-2390 sa Abril 15.

Sa ilalim ng bagong pamantayan, ang pinapayagang pinakamataas na halaga na maaaring singilin ng mga pribadong driving institution para sa Theoretical Driving Course (TDC) ay hanggang P1,000.00.

Itinakda naman ang pinakamataas na halaga ng sisingilin sa sasalang sa Practical Driving Course (PDC) sa P2,500.00 para sa kukuha ng lisensyang may code A at A1; hanggang P4,000.00 para sa license codes B, B1, at B2; at P8,000.00 para sa mga heavy vehicle na may license code C o Carrier of Goods (Truck), D o (Passenger Vehicles (Bus), at CE o Articulated Vehicles.

May katapat na multang P50,000 at anim na buwang suspensyon ng akreditasyon ang mga driving school na sa unang pagkakataon ay hindi susunod sa maximum prescribed rates ng mga TDC at PDC; multang P100,000.00 at hanggang isang taong suspensyon para sa ikalawang beses na paglabag; at revocation o pagkansela na ng akreditasyon kung lalabag pa rin sa ikatlong pagkakataon.

"Ang mga bagong panuntunan na ito ay dumaan sa masusing pag-aaral ng technical working group at sumalang din sa serye ng mga konsultasyon sa lahat ng stakeholders," diin ni LTO Chief Tugade.

"Nabuo ang maximum prescribed rates na ito bilang tugon sa apela ng marami nating kababayan na umiiyak sa mataas na singilin pero maituturing din itong patas na hakbang para sa driving schools na namuhunan din," dagdag ng opisyal.

Samantala, nakasaad sa bagong panuntunan ang binawasang araw para makumpleto ang mandatory 15-hour na TDC. Mula sa dating tatlong araw, maaaring tapusin ng aplikanteng drayber ang kurso sa loob ng dalawang araw โ€“ pitong (7) oras sa unang araw at walong (8) oras sa susunod na araw โ€“ sa loob ng isang buwan.

Ang practical driving naman ay kailangang isagawa nang hindi bababa sa walong oras sa bawat license code na kukunin ng aplikante.

โ€œPDC for light and heavy vehicles shall be conducted for at least TWO days while 8-hour PDC for motorcycles may be conducted in one day, provided that the student-driver has proven to have already acquired the knowledge based on the assessment by a practical driving instructor,โ€ ayon pa sa memorandum circular.

Inoobliga na rin ang mga driving school na ipasok sa LTO system ang mga detalye ng bawat aplikante, gamit ang Land Transportation Management System (LTMS) Client ID upang matukoy ang totoong petsa ng pagsisimula ng TDC nito sa gitna ng isyu ng "non-appearance" ng ilang aplikante.

โ€œRegistration of his/her biometrics before and after every session for attendance purposes is required. The Driving Institution shall provide and maintain an attendance sheet to record the actual presence of the applicant during the conduct of the face-to-face TDC and written examination or validation,โ€ ayon pa sa memorandum.

Matapos na makumpleto ang kurso at maipasa ang final exam sa TDC at ang 8-oras na PDC, bibigyan ng Certificate of Course Completion ang aplikante na real-time at electronically transmitted sa LTMS sa pamamagitan ng Driving Institution Portal.




Address

#16 Unit 307 3rd Flr. Prima Bldg. East Avenue Cor. Magalang St. , Brgy. Pinyahan
Quezon City
1100

Opening Hours

Monday 6am - 2pm
Tuesday 6am - 2pm
Wednesday 6am - 2pm
Thursday 6am - 2pm
Friday 6am - 2pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RAT Medical Clinic - LTO East Avenue Accredited Medical posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to RAT Medical Clinic - LTO East Avenue Accredited Medical:

Share


Other Quezon City clinics

Show All