09/02/2026
"Tama bang i-ichat ko pa rin yung ex ko due to financial difficulties?"
Hi admin! Please hide my identity.
Taga-Nueva Ecija ako, male, 32.
Nagkaroon ako ng gf nung 25 years old ako at tumagal kami ng 5 years. Hindi sya madaling kalimutan lalo na at parang mag-asawa na ang set-up namin.
During our relationship, nakapag-pundar kami ng motor na hulugan at bahay. Kaso nagloko ako. Naakit ako sa iba kaya dun nagsimula ung away-bati namin. Ganun pala un, palagi niyang ibinabalik balik ung cheating ko kahit matagal na at humingi na ko ng tawad. Di na rin un naulit.
Hanggang sa nagsawa na sya iniwan na nya ako.
Fast forward, may asawa na sya at anak. Friends pa rin kami sa FB at nakikita kong successful sya. Ewan, bitter yata ako. Kasi hindi ako masaya for her. (Guilty? Nanghihinayang?)
Yun palang motor at bahay na napundar namin, nagkaroon kami ng mutual decision na ibinenta namin. Ung pinagbentahan, pinag-hatian namin.
Ayw nyang kunin ung parte nya before kasi mas kelangan ko raw pero dahil ma-pride ako, ibinigay ko.
And now, naubos lang din sa investments ung pera. Nagtry ako magnegosyo pero nalugi.
Back to zero ako. And paulit ulit akong nagsisisi sa cheating ko dati dahil may mga pangarap na kami. Nakaplano na. Kumbga itutuloy na lang. Pero dahil sa kagaguhan ko, nawala lahat. Wala na rin akong parents. Ung mga tintrato kong kaibigan ko, ginago din ako sa business.
And now, nakita ko sya sa personal habang nasa coffee shop. Nilapitan ko. Ngumiti sya. The same smile na kinabaliwan ko dati. Andun pa rin ung tamis pero wala na ung ningning sa mata nya.
Nagkamustahan kami and nakapg open-up ako sa knya sa sitwasyon ko. I feel her sincerity nung nag-offer sya ng help. Papautangin daw ako. Pero ung pride ko ba. And may asawa sya. Ano na lang sasabihn sa akin diba? Natatakot din ako kasi bka mas madevelop ulit ung feelings ko sa kanya.
Pero she's the only one who offered help. Ayokong lagyan ng malisya kasi palabigay talaga sya kahit sa family and friends nya.
Pero sa tingin ninyo? Need ko ba kausapin asawa nya? Will I accept her help?
Salamt admin.