20/12/2025
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng tumulong upang maging matagumpay ang taunang Christmas party para sa aming mga pasyente. Mula sa interns at staff (PTs, OTs, SLP, PO, at Rehab Doctors) sa mga pasyente, kaibigan na nagbigay ng donasyon, at sa lahat ng nagbahagi ng kanilang biyaya—maraming salamat po! Espesyal din naming pinasasalamatan ang Office of the President para sa Jollibee food packs na nagbigay saya sa marami. Ang tagumpay na ito ay bunga ng ating sama-samang pagmamahal at malasakit.💙
Sa bawat galaw, bawat pagsubok, at bawat tagumpay—may pag-asa. Sama-sama nating ipinagdiriwang ang lakas at determinasyon ngayong Pasko.Muli, maraming salamat po sa lahat ng naging bahagi ng aming Snowy Season of Care.✨