28/11/2025
Personal ang sakit na Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD) sa aming pamilya.
Kahit 10 o 20 na taon ka pang tumigil sa paninigarilyo, ay maaari pa rin matakdan ng sakit na ito.
Paalala mula sa Department of Health, na βSA BAWAT SIGARILYONG HINIHITHIT, KALUSUGAN NG BAGA ANG KAPALITβ.
Ayon sa DOH, ang paninigarilyo ay ang pangunahing sanhi ng pagkakaroon ng COPD, kung saan 7 sa bawat 10 pasyente ay tinatamaan nito. At maaaring mauwi sa mga komplikasyon tulad ng kanser sa baga, sakit sa puso, at iba pa.
Ang COPD ay isang uri ng sakit na nagdudulot ng pagbabara sa daluyan ng hangin sa baga.
Sumangguni sa pinakamalapit na ospital o sa inyong health center kung mayroong mga sintomas ng COPD at tumawag sa DOH hotline.
Laging tandaan: βWag magyosi! Wag magvape!β
π©Ί
Source: World Health Organization
βΌοΈ SA BAWAT SIGARILYONG HINIHITHIT, KALUSUGAN NG BAGA ANG KAPALIT βΌοΈ
Ang paninigarilyo ay ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng Chronic Obstructive Pulmonary Disease o COPD ng 7 sa bawat 10 pasyente.
Ang COPD ay isang sakit na nagdudulot ng pagbara sa daluyan ng hangin. Ang pagkakaroon ng COPD ay nagpapataas ng tsansa na magkaroon ng kanser sa baga, sakit sa puso at iba pa.
β
Tumawag sa DOH Quitline 1558 para matulungan kang itigil ang paninigarilyo and pagvavape.
β
Kumonsulta sa pinakamalapit na Smoking Cessation Counselling Clinic sa inyong lugar
'Wag magyosi! 'Wag magvape!
Source: World Health Organization