QMMC Department of Rehabilitation Medicine

QMMC Department of Rehabilitation Medicine Aim to enhance and restore functional ability and quality of life to those with physical disabilities

24/07/2025

📣📣📣MAHALAGANG PABATID📣📣📣

Ang serbisyo ng aming departmento ay magbabalik ngayon araw na ito, ika-25 ng Hulyo, mula 7:00NU hanggang 12:00NT.

Para sa inyong mga katanungan, mag-mensahe lamang po sa aming FB Page messenger. Hangad pa rin po namin ang kaligtasan ng lahat.

23/07/2025

Ipinapaabot po namin na wala pa rin pong konsultasyon sa Rehabilitation Medicine, Physical Therapy, at Occupational Therapy bukas, Huwebes, Hulyo 24, 2025 alinsunod sa Hospital Circular Blg. 23, s. 2025 at Malacañang Memorandum Circular No. 91, dahil sa patuloy na masamang panahon na dulot ng southwest monsoon o habagat.

Para sa mga emergency o agarang pangangailangang medikal, maaari po kayong lumapit sa Emergency Department ng QMMC na patuloy na nagbibigay ng serbisyong medikal.

Nauunawaan po namin ang hirap at pangamba na dulot ng ganitong sitwasyon. Nawa’y manatili po kayong ligtas at nasa mabuting kalagayan kasama ang inyong mga mahal sa buhay.

Mag-ingat po tayong lahat.

…FYI…☝🏼☝🏼☝🏼
23/07/2025

…FYI…☝🏼☝🏼☝🏼

22/07/2025

Ipinapaabot po namin na wala pa rin pong konsultasyon sa Rehabilitation Medicine, Physical Therapy, at Occupational Therapy bukas, Hulyo 23, 2025, alinsunod sa Hospital Circular Blg. 22, s. 2025 at Malacañang Memorandum Circular No. 90, dahil sa patuloy na masamang panahon na dulot ng southwest monsoon o habagat.

Ang inyong kaligtasan ang aming pangunahing prayoridad. Nauunawaan po namin ang abala na maaaring idulot nito, at taos-puso po kaming humihiling ng inyong pag-unawa.

Magingat po kayo at nawa'y manatiling ligtas ang inyong pamilya.

21/07/2025

Nais po naming ipabatid na ang nakatakdang Osteoarthritis Screening sa Hulyo 22, 2025 ay kanselado muna hanggang sa susunod na abiso, alinsunod sa anunsyo ng pamahalaan ukol sa suspensyon ng trabaho dulot ng masamang panahon at habagat, batay sa Hospital Sirkular Blg. 21, s. 2025.

Kanselado rin po ang lahat ng Physical at Occupational Therapy sessions, pati na rin ang mga konsultasyon sa doktor sa nasabing araw.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pag-iingat.

19/07/2025

⚕️AKTIBONG REHABILITATION THERAPY, NAPATUNAYANG EPEKTIBO SA PAGPAPABUTI NG KALAGAYAN NG STROKE SURVIVORS ⚕️

Ayon sa isang pag-aaral, 60 % ng mga stroke survivors na hindi makalakad ay naka-recover pagkatapos ng tatlong buwang aktibong rehabilitation therapy.

💡 Ang Physiatry ay ang sangay ng medisina na tumutok sa paggaling ng pisikal na kakayahan at kalidad ng buhay ng pasyente matapos ang sakit o injury, gaya ng stroke.

📌 Saklaw ng PhilHealth ang serbisyo ng mga Physiatrists—kabilang na ang initial assessment, follow-up, at discharge assessment, na may halagang ₱1,200 bawat isa.

👩‍⚕️ Makipag-ugnayan sa pinakamalapit na ospital o rehab center tungkol dito.




...know your RIGHTS....
18/07/2025

...know your RIGHTS....

Para sa pagdiriwang ng National Disability Prevention and Rehabilitation Week ang QMMC Department of Rehabilitation Medi...
16/07/2025

Para sa pagdiriwang ng National Disability Prevention and Rehabilitation Week ang QMMC Department of Rehabilitation Medicine ay magsasagawa ng libreng osteoarthritis screening. Inaanyayahan namin ang may mga nararanasang sakit sa tuhod na may edad 40 at pataas na sumali at magpatingin ng kanilang nararamdaman. Ito ay gaganapin sa QMMC Rehab Department sa July 22, 2025 mula 9 AM - 12 PM.

Kung nais ninyong sumali sa screening, puntahan ang link sa ibaba at sagutan ang registration form. Ito po ay limitado lamang sa 40 na participants.

Para sa pag-celebrate ng National Disability Prevention and Rehabilitation Week ang QMMC Department of Rehabilitation Medicine ay magsasagawa ng libreng osteoarthritis screening para sa mga pasyente at empleyado ng QMMC edad 40 at pataas na may nararanasang sakit sa tuhod. Ito ay gaganapin sa Rehab....

📣📣📣PHYSICAL THERAPIST📣📣📣Kasalukuyang naghahanap ang Pang-alaalang Sentrong Medikal Quirino o QMMC ng mga interesadong ap...
16/05/2025

📣📣📣PHYSICAL THERAPIST📣📣📣

Kasalukuyang naghahanap ang Pang-alaalang Sentrong Medikal Quirino o QMMC ng mga interesadong aplikante.

Basahin ang nakalistang mga bakanteng posisyon at tignan kung akma ang iyong kwalipikasyon sa nasabing posisyon.

Maaaring tignan ang naka-pin na listahan ng mga dokumento at ipadala ang kumpletong dokumento sa isa sa mga sumusunod: recruitmentqmmc@gmail.com / qmmcrecruitment@gmail.com o magtungo sa tanggapan ng Seksiyon sa Pamamahalang Pantauhan bago mag 26 May 2025, 5:00 ng hapon.

Inaanyayahan namin ang lahat na sumubok na mag-apply.

Address

OPD Building, Room 12, JP Rizal St. , Cor P. Tuazon Boulevard, Project 4
Quezon City

Opening Hours

Monday 7am - 3pm
Tuesday 7am - 3pm
Wednesday 7am - 3pm
Thursday 7am - 3pm
Friday 7am - 3pm

Telephone

+63253049800

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when QMMC Department of Rehabilitation Medicine posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to QMMC Department of Rehabilitation Medicine:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram