RZR Health and Safety Operations Team

RZR Health and Safety Operations Team Health & Safety Solutions Provider specific for projects by the Philippine TV & Film Industry.

Idamay na kita sa pinagaaralan namin ngayon.Gusto mo ba malaman kung paano namin sinusukat kung gaano kababa o kataas an...
15/03/2024

Idamay na kita sa pinagaaralan namin ngayon.

Gusto mo ba malaman kung paano namin sinusukat kung gaano kababa o kataas ang porsyento ng risk o peligro ng isang pasyente kung magkaka heart attack or stroke ba siya sa loob ng sampung taon na maaring mauwi sa kapansanan o pagkamatay?

Ito ang World Health Organization - International Society of Hypertension Risk Prediction Chart.

Para gamitin, hanapin at itapat sa chart ang mga sumusunod na detalye ng pasyente:

1) Diabetic o Non Diabetic? (Gamitin ang tamang chart, With or yung Without Diabetes Mellitus)

2) Kasarian (Male or Female)

3) Smoker or Non Smoker? (Kung dating naninigarilyo, kailangan may isang taon o higit pa sa pagtigil ng paninigarilyo bago maclassify dito na Non-Smoker)

4) Edad (gamitin ang naaayon na age group, halimbawa, kung ang edad ay 56 years old, gamitin ang group ng cells na katapat ng 50).

5) Systolic Blood Pressure (Ito ang unang numero ng iyong Blood Pressure, halimbawa, nagpa BP ka at ang resulta ay 140/90, ang systolic blood pressure mo ay 140).
Kung walang Cholesterol lab result ang patient, gamitin na ang charts na nasa pangalawang picture ng post na ito).

Ang kulay ng tatapat na cell sa systolic blood pressure ng pasyente ang porsyento ng risk/peligro na magkaron ng heart attack or stroke sa loob ng sampung taon.

6) Cholesterol (Kung may cholesterol lab result ang patient, gamitin ang unit na mmol/l, at gamitin ang charts na nasa pangatlong picture ng post na ito).
Ang color cell na tatapat sa gitna ng parehong cholesterol at systolic blood pressure ang 10 Year Risk Prediction ng patient from fatal or non fatal cardiovascular event.

Ang pinaka purpose ng Risk Prediction Chart na ito ay para mapayuhan ng healthcare provider ang patient kung ano ang mga dapat baguhin sa lifestyle ng pasyente at kung kinakailangan ba ng karagdagang medical management para maiwasan ang problemang ibibigay ng heart attack or stroke.

Magkonsulta sa inyong duktor o magtungo sa pinakamalapit na health center.

Tandaan:
Prevention is always better than the Cure!❤️❤️❤️

March is Fire Prevention Month.Icheck ang bahay sa mga posibleng pagsimulan ng sunog.
20/02/2024

March is Fire Prevention Month.
Icheck ang bahay sa mga posibleng pagsimulan ng sunog.

Address

Quezon City
1114

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RZR Health and Safety Operations Team posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to RZR Health and Safety Operations Team:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram