15/04/2025
Mabuting balita!
Sa paggunita ng Cancer Awareness Month ngayong buwan ng Abril, inihahandog ng Philippine Statistics Authority (PSA), kasama ang Philippine Children’s Medical Center Cancer and Hematology Division (PCMC-CHD), ang isang mobile National ID Registration Program. Ito ay gaganapin dito sa PCMC sa April 23, 2025 at magsisimula sa ganap na alas-9 ng umaga.
Ang gawaing ito ay bukas para sa lahat ng pasyente ng PCMC-CHD at kanilang mga kapamilya. Inaanyayahan ang mga interesado na makilahok na sagutan itong Online Registration Form: https://forms.gle/2Y95y9BfqDvgD1JJ7
Magsasara ang registration sa takdang alas-otso ng umaga, April 17, 2025.
Tanging ang mga naka-register lamang ang mabibigyan ng kumpletong instuctions kung kaya't huwag palagpasin.
Maraming salamat po!