Health-Whiz Drugstore

Health-Whiz Drugstore A licensed drugstore that provides sufficient medical needs. We are also open for distribution of pharmaceutical products.

26/07/2021

Looking For Part-Time Pharmacist, must be:
Residing within or Near Brgy. Bagong Silangan, Quezon City

17/11/2020

Paki-Share para maka-LIGTAS ng buhay!

Dahil sa BAHA, Dadami ang Kaso ng LEPTOSPIROSIS
Doxycycline : Gamot na Panlaban Sa Leptospirosis
Mga LGUs at Health Centers: Dapat mag-handa na ng maraming Doxycycline.

Health Advisory Dr. Willie Ong (Internist & Cardiologist)

Ang leptospirosis ay isang sakit na makukuha sa ihi ng daga. Kapag may sugat ang iyong paa at lumusong ka sa baha, posibleng pumasok ang leptospirosis bacteria sa iyong katawan. Makukuha din ang leptospirosis sa maduming putik, sa bukid at sa kontaminadong swimming pool.
Ang sintomas ng leptospirosis ay ang matinding sakit na ulo at sakit ng katawan. Nakararanas din ng paglalagnat at paninilaw ng mata. Lumalabas ang sintomas ng leptospirosis pagkaraan ng 2 hanggang 30 araw pagkalusong sa baha.
Matindi ang komplikasyon nito. Puwedeng masira ang bato, atay, puso, baga at utak. Kadalasan ay ang bato ang tinatamaan at umaabot ang sakit sa kidney failure at dialysis. May 20% ang namamatay kapag tinamaan na ng kidney failure.

May paraan para umiwas sa leptospirosis:
1. Huwag lumusong o maligo sa baha. Umiwas sa maduduming putikan at swimming pool.
2. Magsuot ng bota at gloves bago lumusong sa baha.
3. Kung hindi makaiwas sa baha, maglinis agad ng paa at katawan.

Doxycycline Para Sa Leptospirosis:
Heto ang tamang pagbigay ng doxycycline para sa mga lumusong sa baha.
1. Isang beses lang lumusong sa baha at walang sugat sa paa.
Uminom ng doxycycline 100 mg capsule, 2 capsule sa maghapon sa loob ng 1 araw lamang.
2. Isang beses lang lumusong sa baha at may sugat sa paa.
Uminom ng doxycycline 100 mg capsule, 2 capsule sa maghapon sa loob ng 4 na araw.
3. Tuluy-tuloy ang paglusong sa baha.
Uminom ng doxycycline 100 mg capsule, 2 capsule sa maghapon, isang beses lamang bawat linggo. Mababawasan ang tsansang magkaroon ka ng leptospirosis ng 50%.
4. Kung ika’y nagkaroon na ng sintomas ng leptospirosis (lagnat, sakit ng ulo), pumunta agad sa ospital ng gobyerno. Kailangan kang ma-iniksyonan ng antibiotic sa loob ng 4 na araw ng pagkakasakit. Kapag hindi nabigyan ang pasyente ng antibiotic sa loob ng 4 na araw, posibleng hindi na gumaling ang leptospirosis at magtungo ito sa kidney failure, dialysis at pagkamatay. Kaya kapag ika’y nilagnat, magpatingin na agad sa doktor.

Iba Pang Gamit Ng Doxycycline:
Ang doxycycline ay gamot din laban sa pulmonya, impeksyon sa ihi at sexually-transmitted diseases.
Puwede ang doxycyline para makaiwas sa malaria. Iniinom ang Doxycycline 100 mg capsule, isang capsule sa isang araw, mula 2 araw bago pumunta sa lugar na may malaria hanggang sa 4 na lingo makaalis sa naturang lugar.
Mahalagang paalala: Huwag painumin ng doxycyline ang mga batang edad 8 pababa, mga buntis at mga nanay na nag-breast feeding. Tandaan na kailangan ninyong kumonsulta sa doktor bago uminom nitong gamot. Good luck po.

22/09/2020

*Licensed Pharmacist to work part-time at Bagong Silangan, Quezon City Area.
*To work at least 3x a week

13/09/2020
20/07/2020
13/07/2020
13/07/2020

Dahil maraming pagbabagong nangyayari sa katawan ng buntis, minsan mahirap malaman kung alin ang normal na bahagi ng proseso at alin ang dapat ng ikonsulta sa doctor.

Address

Bagong Silangan
Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Health-Whiz Drugstore posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Health-Whiz Drugstore:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram