
24/07/2025
QCITIZENS! GAWING LIGTAS ANG SARILI SA BANTA NG LEPTOSPIROSIS! 🦠🚫
Isang seryosong sakit na galing sa bakterya sa ihi ng mga hayop tulad ng daga, baka, baboy, at aso—na maaaring pumasok sa katawan lalo na kapag tayo’y lumulusong sa baha.
Mga karaniwang sintomas ng leptospirosis:
✔️ Lagnat
✔️ Pamumula ng mata
✔️ Panginginig at pananakit ng kalamnan (lalo sa binti)
✔️ Sakit ng ulo, tiyan, at pagsusuka
✔️ Pantal o rashes
✔️ Paglambot ng dumi
MAIIWASAN ITO kung agad na magtutungo sa inyong health center at evacuation sites para sa libreng konsultasyon at gamot bilang post-exposure prophylaxis (PEP).
⚠️ PAALALA:
May inilaang alternatibong gamot para sa mga bata, buntis at mayroong allergic reaction sa gamot na ibinibigay sa health center. Maaaring magpakonsulta muna, bago uminom ng gamot
MAAARING TINGNAN SA LINK ANG INYONG MGA HEALTH CENTER:
https://www.facebook.com/share/p/15koKaTGdj/
Para sa iba pang updates, i-like at i-follow ang Quezon City Health Department Official page.