Gabay sa Kalusugan - Dr. Gary Sy

  • Home
  • Gabay sa Kalusugan - Dr. Gary Sy

Gabay sa Kalusugan - Dr. Gary Sy Health Education Health Topics
(3)

18/08/2025
Madaming posibleng dahilan kung bakit hindi madaling makontrol ang blood pressure ng isang tao at napag-alaman na ito an...
18/08/2025

Madaming posibleng dahilan kung bakit hindi madaling makontrol ang blood pressure ng isang tao at napag-alaman na ito ang madalas na mga rason...
1. Hindi pag sunod ng pasyente sa tamang reseta ng doktor. Pinalitan ng iba ang nireseta ng doktor. Maaring hindi kasing bisa yung ipinalit.
2. Hindi nasunod yung tamang ipinayong pag-inum ng gamot. Halimbawa: 2 o 3 beses kailangan inumin ginawang once a day lang.
3. Hindi regular na pag-inum ng gamot na dapat tuloy-tuloy o maintenance na. Tinigil dahil maganda na daw pakiramdam. At marahil sa kamahalan na rin ng gamot.
4. Mahirap makontrol ang presyon sa pamamagitan ng monotherapy o isang klaseng gamot lamang.

Ang pag gamit ng combination therapy o kumbinasyon ng dalawang gamot sa mababang dose ay maaaring maging solusyon sa mga problemang nabanggit. Sa combination therapy nagiging mas madali ang pagsunod ng pasyente dahil sa mga sumusunod...
1. Dalawang gamot sa isang tableta o kapsula.
2. Once a day lang kadalasan iniinum.
3. Mas mababa ang tsansa ng side effect dahil sa mas mababang dose na pag-inum kaysa monotherapy.
4. Mas mura ang halaga kaysa dalawa o tatlong magkahiwalay na gamot.

Dahil sa mga nabanggit na dahilan, ang pag gamit ng low-dose combination therapy bilang unang gamutan sa may altapresyon ang posibleng solusyon sa hindi sapat na pagkontrol ng blood pressure. Pag maayos ang blood pressure malaking tulong ito para makaiwas sa sakit sa puso.

Isang halimbawa ng combination therapy ay ang Veztenor na pinagsamang Losartan 50 mg at Amlodipine 5 mg.

Sumangguni sa inyong doktor tungkol rito.

TANDAAN:
Ang impormasyon na nakapaloob dito sa Gabay sa Kalusugan - Pahina ng Kalusugan ay para lamang sa mga layuning pang-edukasyon at hindi kapalit ng payo, diagnosis o paggamot ng isang lisensiyadong manggagamot. Dapat kang humingi ng mabilis na pangangalagang medikal para sa anumang mga isyu sa kalusugan. Bisitahin ang inyong doktor. Salamat.

17/08/2025

Ang tigas kasi ng ulo!!!

17/08/2025

Stress can contribute to elevated levels of both "bad" cholesterol (LDL) and blood sugar. Chronic stress can trigger the release of hormones like cortisol and adrenaline, which can lead to higher LDL cholesterol, lower HDL ("good") cholesterol, and increased blood sugar levels. Stress can also temporarily increase blood pressure. When faced with a stressful situation, the body releases hormones like adrenaline, which can cause heart rate to increase and blood vessels to narrow, leading to a rise in blood pressure.

Yung issue sa FLOOD CONTROL in aid of legislation medyo suntok sa buwan na yan. Paano kaya maiimbestigahan ng kongreso y...
17/08/2025

Yung issue sa FLOOD CONTROL in aid of legislation medyo suntok sa buwan na yan. Paano kaya maiimbestigahan ng kongreso yung mismong mga kasamahan nila? Eh paano din kung yung nag-iimbestiga may sabit din? May makakasuhan at makukulong kaya dyan? Mukhang malabong may magandang resulta yan.

Mas maganda siguro sa korte/ombudsman na yan dalhin.

Imagine, more than 500B (Billions) involved sa flood control projects napunta lang sa 15 contractors/companies na yung iba owned by politicians themselves as per Mayor Benjamin Magalong. Ok lang sana kung meron ngang nagawa, pero zero projects visibility.

Ang daming matutulugan sana yang 500B sa healthcare system ng bansa. Sayang!

Alam niyo po kung ako tatanungin, mas may maaasahan pa tayong magandang resulta sa BLOOD pressure CONTROL, cholesterol & blood sugar control.

Pag usapan na lang natin yung kaya natin kontrolin. 😊

17/08/2025

Mag ♥️ naman dyan…

17/08/2025

⚠️ IMPORTANT ANNOUNCEMENT!

Humihingi po ako ng paumahin at pansamantala iiwan ko po muna kayo at hindi ako magiging active sa facebook.

May mahalaga lang po akong aasikasuhin na kailangan kong magtungo sa USA para magpatingin sa isang genetic specialist.

Marami po kasi nakapansin na hindi daw nagbabago ang looks ko mula nung 20 years ago. Kaya nagpasya na akong magpasuri baka may genetic abnormality ako.

Sa susunod na buwan madadagdagan na naman ang edad ko (35 magiging 36 na) pero pareho pa rin mga larawan ko mula noong taong 2005 hanggang ngayong 2025. Hindi na po biro ito at kinakabahan na ako kaya kailangan malaman kung ano nangyayari sa katawan ko.

Pasensya na po at bibigyang pansin ko naman ang sarili ko hindi puros kayo.

At wag na sana kumontra sa aking public statement.

Salamat po sa nakauunawa.




PS
Reminder: Sunday po ngayon, it’s a joke day.

17/08/2025

Suggest naman kayo ng music na babagay sa sexy dancing. Wag Careless Whisper, luma na yun.
Mahahalatang luma
ka na rin. 🤣

Naiinsulto ako at nawawalan na kayo ng respeto porket nakikipagbiruan ako sa inyo! PSWhy not?🤣🤣🤣
17/08/2025

Naiinsulto ako at nawawalan na kayo ng respeto porket nakikipagbiruan ako sa inyo!

PS
Why not?
🤣🤣🤣

Magkaalaman na nga tayo kung saang kategorya ang mga followers ko. Kung kaya pa mag-react ng 👍; at pag hindi na kaya ❤️....
17/08/2025

Magkaalaman na nga tayo kung saang kategorya ang mga followers ko.

Kung kaya pa mag-react ng 👍; at pag hindi na kaya ❤️.

Anong kaya? Makatatayo pa nang walang tulong ng vi**ra, este tungkod. (AMBULATORY: able to stand up and walk alone). Matigas at hindi pa marupok o malambot ang buto (BONES po baka iba pagkabigkas niyo baka maging o-ten yun.). May moist (mamasa-masa) pa at di laging tuyo (THROAT). Opposite niyan, di na kaya.

Pag ang react 🤣 hindi ka kasali sa usapan.

Pag 😡 in denial stage ka pa.

Game!!!!
Pindot na sa emoji na para sayo.

16/08/2025

Good Morning GsKers!
Tara hanapin natin yan.

Real TalkYung iba kumakain para mabuhay, pero may iba naman dyan nabubuhay para lumamon lang ng lumamon. 🤣
16/08/2025

Real Talk
Yung iba kumakain para mabuhay, pero may iba naman dyan nabubuhay para lumamon lang ng lumamon. 🤣

Address


Opening Hours

Monday 08:30 - 17:00
Tuesday 08:30 - 17:00
Wednesday 08:30 - 17:00
Thursday 08:30 - 17:00
Friday 08:30 - 17:00
Saturday 08:30 - 17:00

Telephone

+63289111314

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Gabay sa Kalusugan - Dr. Gary Sy posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Gabay sa Kalusugan - Dr. Gary Sy:

  • Want your practice to be the top-listed Clinic?

Share