
16/06/2025
TAKE TIME TO READ!
“Myths & Facts about Rabies”
Alam nyo bang Walang kakayanan mag Transfer ng Rabies Ang Daga, Rabbit, Hamster at Guinea Pig?
Anti Tetanus lng need nyo saka Antibiotic kapag nakagat nito. “FACT”
Ang Paniki ay pwedeng magka-Rabies “FACT”
Ang Baka, Kambing (Cattle), Baboy ay Hindi nararabies “MYTH”
- Pwede po pero napaka Rare
-99% po ay Dog Bite, 1 percent lng po sa ibang hayop
Eh Tao? Every 9 mins may namamatay sa Rabies worldwide, madami Bata (40%) madalas sila makagat dahil di pa nila alam magbasa ng animal behavior if kakagatin sila kapg hinawakan nila. Saka mas madali talaga silang maabot ng a*o sa mukha at leeg dahil maliit nga sila. “FACT”
-0.5mm/day ang pag travel ng Rabies Virus sa Nerve ng tao
Bawal Takpan ng Gauze o Bandaid ang Sugat na mula sa Kagat ng hayop. “FACT”
-mas gusto nga natin lumabas ung laway ng kumagat sa sugat kaya bawal takpan.
-if malakas ang dugo. Delay mo ng ilang minuto
-kapag need tahiin, mag pa ERIG ka muna sa paligid ng sugat after 2hrs pwede na tahiin
Sabi nila may Bakuna naman ung A*o ko Pwede na kong Hindi na Magpainject ng Anti Rabies? “FACT na MYTH”
Depende kase wala namn sa Categorization sa Tao kung Bakunada ba ung Kumagat na Hayop, ideally susundin natin ung Categorization pero Pwede din naman Kapag…
-Maari kapag Category 1 to 2 ka lng (ung wala namn sugat category 1, ung mababaw na kalmot below the neck category 2). Pero may Kondisyones!!
1.) Within 1yr ung latest Vaccine ng A*o
2.) 2 consecutive years, Regular na nagpapavaccine ung a*o hindi papalya palya
3.) Recorded, Vet sana ang nagbigay hindi kung sino sino lng na hindi marunong maghandle ng vaccine (cold chain). Hanapin ang Record ng Vaccination; Mahirap na manghula o maniwala sa sabi sabi lng na may regular na bakuna ang a*o/pusa ng walang katibayan.
4.) Available ang biting animal for Observation; dapat Healthy and Buhay na buhay ung Kumagat na Hayop. Kapag Tyugi na agad or may symptoms ng Rabies kahit na ba bakunado yang A*o magpainject ka ng Anti rabies.
-kung Category 3 ka (Transdermal Bite) mag pa inject ka pa din ng AntiRabies pero ung ERIG pwedeng hindi na if vaccinated namn ung animal taon taon.
-tandaan kapag tuta mas prone sa rabies dahil wala pa silang AntiRabies. 3mos old pataas pa okaya naman 1dose pa lng sila. Dalawang dose dapat bago sila magkaroon ng mataas na titer pangontra rabies. Eh ung 2nd dose nila ay after 1yr pa uli.
Lagyan ng Bawang, Sibuyas, Luya ang kagat ng hayop “MYTH” “Fake News”
-Sapat na ang Hugasan gamit ang Sabon at Running Water for 15mins then betadine araw araw kung malaki ang sugat
-Pwede mag cause ng Chemical Burn makadagdag pa sa injury
-Baka gusto mo na din lagyan ng Malungay? itinola na natin ung Sugat mo
Sabi ng Lola ko at Kapitbahay kong feeling Doctor hindi na kailangan magpainject ng AntiRabies kase nakagat namn sila dati hindi namn sila naRabies “MYTH, isang malaking Fake News”
-Bihira lng ang Rabies, karaniwan kung alaga namn natin lagi nasa loob ng bahay at nababakunahan, maliit lng ang chance na maRabies sila.
-Sinwerte lng sila, nataon na walang rabies ung kumagat sa kanila kaya Hindi sila Na rabies.
-Pano kapag minalas ka at meron pala, napasama ka sa datus ng WHo na every 9mins may namamatay sa Rabies sa buong mundo?
-Bihira ang Rabies pero kapag minalas ka Almost 100% na nakakamatay ang Rabies.
- . You Only Live Once.
-Ang Buhay hindi na nababawi pero ang Pera nababalik pa yan kikitain pa yan. Saka may libre namn sa Public, pumila ka at magpainject if wala pang budget.
-Mahirap isugal ang buhay
-kung ang A*o nga natin o alaga natin ay pinapainjectionan natin kahit di namn nakagat ung a*o, tao pa kaya na nakagat pa.
“Protected Together”
“Vaccines Work”
Abalos Medical Clinic - Luzon Avenue
SERVICES:
🩺General Check up
⚕️Adult & Pedia - Non-Urgent Cases
📝Medical Certificate
🧑⚕️Fit to Work
😷Minor Surgery (Circumcision & Suture)
🔬Laboratory Interpretation
AVAILABLE VACCINES:
💉Anti Pneumonia (PCV13 and PPV23)
💉Flu Vaccine (4 strains)
💉Anti Rabies
💉Anti Hepa B
💉Anti Tetanus
💉Anti HPV (Cervical Cancers & Ge***al Warts)
🏥 LUZON BRANCH
📍Romarosa Townhomes Matandang Balara Luzon Ave QC (2nd Flr. left side Room 222)
☎️09234164935
📅 Monday to Saturday
⏰ 10am-5pm
✉️ DM this FB page & our Main Page: Abalos Medical & Dental Clinic
See You There.