
26/01/2024
BABALA SA PUBLIKO / SCAMMER ALERT
Pinag-iingat namin ang lahat sa kumakalat na page na nagpapakilalang kay "Doc Atoie" na nagbebenta online ng GUYABANO CAPSULES.
Ang Health Forum at Zynergia ay walang kinalaman sa page na ito, at wala po kaming produkto na katulad ng kanilang ibinibenta. Mag-ingat sa scammers dahil:
1. Hindi rehistrado sa FDA ang produkto.
2. Kung kayo ay makainom at nagkaroon ng side effects ay hindi nyo na mahahagilap ang nagbenta.
3. Maraming umorder online ang hindi natanggap ang products pagkatapos magbayad.
4. Karaniwang hindi na macontact ang magbenta matapos magbayad thru Gcash or bank transfer.
Uulitin namin, mag-ingat sa ganitong mga SCAMMERS at ipagbigay alam sa PNP Anti-CyberCrime Group ang mga ganitong modus.
https://www.facebook.com/anticybercrimegroup?mibextid=ZbWKwL