18/09/2024
MEDICAL TECHNOLOGIST
- kami yung ginagawa nyong panakot sa mga bata na tutusukan namin sila kapag di pa sumunod. "Hala hala sige tutusukan ka nya halika ka na dito"
-yung sinasabi nyong nangaaway dahil lage nagpapaiyak ng mga chikiting at babies. - "Aduy inaway ang baby namin. Kawawa naman. Sumbong natin kay papa."
-yung bampirang sumisipsip ng dugo ninyo
-yung nakakatanggap minsan ng sipa at suntok sa pagkukuha ng dugo; minsan naiihian pa; minsan namumura
-yung "naka-upo" lang sa harap ng microscope maghapon. lumalabo na lang ang mata kakabasa
-yung kinaiinisan nyo kapag matagal ang resulta ng labs nyo
-yung hindi nyo napapasalamatan kapag gumaling na kayo
-yung hindi kasama kapag may pakain ang pasyente bilang thanksgiving
-yung pinipigil ang pag-ihi at tinitiis ang gutom dahil sa dami ng trabaho lalo na kung manual method;
-yung tagasuri ng dugong posibleng magdala ng sakit sa amin kapag di kami nag-ingat, ihing mapanghi, duming mabantot, plema at laway na nakakadiri, nana kung saan, CSF na nakakatakot hawakan, at kung ano-ano pang dumi o parte ng tao.
-yung tumutulong sa mga doktor para kayo'y mabigyan ng tamang diagnosis at gamutan
Opo, kami nga po yun. Marahil, marami sa inyo ang di nakakakilala sa amin. Bihira nyo man kami makita at kapag nagkikita pa ay nasasaktan pa namin kayo, kami po ay kasama rin ng mga doctor at nurses, kami po ay isa rin sa kasangkapan ng inyong pag-galing. Hindi nyo man po kami mapasalamatan, kami ay patuloy na nagtatrabaho at nagsisikap na maibigay ang tamang pagsusuri para sa inyong kagalingan.
Sa lahat ng mga kapwa ko MedTech, saludo ako sa inyo! 😊
Happy Medical Technologist Week! 😇
"We are the unsung heroes, always will, and forever will be."