We Care Doctors PH

We Care Doctors PH We Care for you!

This group is owned and managed by different Doctors that specialize in different field of medicine to cater all the needs of our Filipino Citizens.

πŒπ€ππ”π€π‹ 𝐁𝐏 πŒπŽππˆπ“πŽπ‘ πŸ©Ίβœ”οΈ Easy to Useβœ”οΈ Buy 1 and Get 𝐅𝐑𝐄𝐄 π’π”π‘ππ‘πˆπ’π„ π†πˆπ…π“β€ΌοΈ πŸŽβœ”οΈ Manual Accurate (Must Recommended by Doctors ...
13/04/2023

πŒπ€ππ”π€π‹ 𝐁𝐏 πŒπŽππˆπ“πŽπ‘ 🩺
βœ”οΈ Easy to Use
βœ”οΈ Buy 1 and Get 𝐅𝐑𝐄𝐄 π’π”π‘ππ‘πˆπ’π„ π†πˆπ…π“β€ΌοΈ 🎁
βœ”οΈ Manual Accurate (Must Recommended by Doctors & Nurses)
βœ”οΈ Best Quality Available (3 Years Warranty)
βœ”οΈ Free Shipping & Cash on Delivery

𝐆𝐄𝐓 π˜πŽπ”π‘π’ ππŽπ–! πŸ“©

Satisfied Customer Feedback 5/5 Review ⭐⭐⭐⭐⭐
11/04/2023

Satisfied Customer Feedback 5/5 Review ⭐⭐⭐⭐⭐

10/04/2023
10/04/2023

First Aid Sa Na-High Blood
Payo ni Doc Willie Ong

Kapag ang blood pressure niyo ay lampas sa 140 over 90, marahil ay may high blood ka na. Ngunit kapag ika’y pagod, nagagalit o nag-e-ehersisyo, tataas din ang iyong presyon pero hindi ibig sabihin ay high blood ka na. Ang tamang pagkuha ng blood pressure ay kung ika’y nakapahinga at walang ginagawa.
Ano ang sintomas ng high blood? Kadalasan ay walang nararamdaman ang isang taong may high blood. Kaya nga tinatawag na β€œsilent killer” ang high blood pressure dahil nanganganib na pala ang buhay ng pasyente pero wala pa siyang nararamdaman. Pero may ilang tao ang nakararanas ng sintomas tulad ng pananakit ng batok, mabigat ang ulo at pagkahilo.
Heto ang first aid para sa mga na-high blood:
1. Siguraduhing tama ang pagkuha ng blood pressure. Kapag palagi itong mataas sa 140 over 90, ito ay nangangahulugang may high blood ka na.
2. Paupuin muna ang pasyente ng 15 minuto. Sabihin sa kanya na huminga ng mabagal at malalim. Pagkatapos ay kuhanan muli ng blood pressure.
3. Kung may maintenance medicines ang pasyente para sa high blood pressure, ipainom ito sa kanya.
4. May 2 pagkakataon kung kailan puwedeng bigyan ng karagdagang gamot ang pasyente: (1) Kapag ang blood pressure ay lampas sa 140/90 at may nararamdaman ang pasyente, at (2) kapag ang blood pressure ay lampas na sa 160/100.
5. Ang pangkaraniwang first aid medicine na ibinibigay para bumaba ang presyon ay ang (1) Clonidine (Brand name: Catapres) 75 mcg, isang tableta lamang o (2) Captopril 25 mg, isang tableta din.
6. Tandaan na hindi lahat ng mataas ang presyon ay kailangan bigyan agad ng gamot sa high blood. Minsan ay kailangan lang ma-relax ang pasyente.
7. Depende sa kondisyon ng pasyente, puwede mo siya dalhin sa Emergency Room ng ospital o ipakonsulta sa klinic ng doktor.
Maraming komplikasyon ang high blood pressure katulad ng stroke (pagdugo sa utak), pagkabulag, sakit sa bato at atake sa puso. Magpatingin sa doktor kapag ang presyon niyo ay lampas 140 over 90 para mabigyan kayo ng lunas. Good luck po.

10/04/2023
10/04/2023
10/04/2023

High Blood: Natural Na Solusyon
Payo ni Doc Willie Ong

Kapag ang blood pressure niyo ay palaging lampas sa 140 over 90, ang ibig sabihin ay may high blood ka na. Ang pinakamainam na blood pressure ay mga 120 over 80. May mga natural na paraan para bumaba ang iyong presyon:
1. Magbawas ng timbang. Kapag kayo ay lampas sa timbang, mas tataas ang iyong blood pressure. Kung maibababa niyo ang iyong timbang ng 10 pounds, ay bababa din ang iyong blood pressure ng 10 points.
2. Magbawas sa pagkain ng maaalat. Umiwas o magbawas sa paggamit ng asin, toyo, patis at bagoong. Bawasan din ang pagkain ng noodles, daing, tuyo at sitsirya.
3. Kumain ng gulay, prutas at low-fat na gatas. Ang saging ay may potassium at napakaganda sa puso.
4. Umiwas sa karneng baboy at baka. Umiwas din sa mamantikang pagkain tulad ng mantikilya at cake. Kumain na lang ng matatabang isda tulad ng sardinas, tilapia at bangus.
5. Bawasan o itigil ang pag-inom ng soft drinks at matatamis na juices. Ayon sa bagong pagsusuri, ang sobrang tamis ay nagdudulot ng diabetes at sakit sa puso.
6. Bawasan ang pag-inom ng kape. Limitahan sa 2 tasa ng kape sa isang araw para hindi tumaas ang presyon. Piliin ang tsa-a tulad ng green tea.
7. Mag-ehersisyo ng 3 hanggang 5 beses bawat linggo. Gawin ito ng 30 minutos hanggang 1 oras. Piliin ang ehersisyo na angkop sa iyong edad. Pero siguraduhing normal ang iyong presyon bago mag-ehersisyo.
8. Matulog ng 7 hanggang 8 oras.
9. Magbawas ng trabaho. Ang sobrang daming gawain ay puwedeng magdulot ng high blood.
10. Ihinto ang paninigarilyo. Tataas ng 10 puntos ang iyong presyon kapag ikaw ay naninigarilyo. Mas lalapot pa ang iyong dugo.
11. Bawasan o itigil ang pag-inom ng alak. Ang sobrang alak ay nakasisira din sa puso.
12. Huwag palaging magagalit. Posibleng tumaas ng 50 points ang iyong blood pressure kapag ika’y galit na galit.
13. Mag-relax at huminga lang ng malalim at mabagal para bumaba ang presyon. Makinig sa magagandang musika.
14. Labanan ang init na panahon. Ang mainit na klima ay may epekto din sa may high blood. Uminon ng sapat na tubig sa isang araw.
Mahalagang paalala: Kapag lampas sa 160 over 100 ang iyong presyon o may sintomas na kayong nararamdaman, kailangan niyo nang uminom ng gamot sa high blood. Kumonsulta sa iyong doktor.

10/04/2023
10/04/2023
10/04/2023

Address

5th Avenue, Barangay Socorro, Cubao
Quezon City
1109

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when We Care Doctors PH posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram