01/07/2025
Trivia 🧐: Ang tema ng 51st Nutrition Month ay “Food at Nutrition Security Maging Priority! Sapat na Pagkain Karapatin Natin!” Layunin nitong bigyang-diin na ang malusog na pagkain ay isang pundamental na karapatang pantao. Ayon sa ulat ng Food and Agriculture Organization (FAO) noong 2024, halos 51 milyong Pilipino ang nakakaranas ng katamtaman hanggang sa matinding kawalan ng seguridad sa pagkain mula 2021 hanggang 2023. Dagdag pa rito, ayon sa datos ng Social Weather Station survey noong Disyembre 2024, 29.4% ng mga pamilyang Pilipino ang nakakaranas ng gutom na hindi nila maiwasan dahil sa kahirapan, limitadong produkto ng agrikultura at pagbabago ng klima na nagsasanhi ng kakulangan sa produksyon ng pagkain at MALNUTRISYON
🗣️Bilang pakikiisa sa selebrasyon sa Buwan ng Nutrisyon, bisitahin ang mga booth na may mga abot-kayang paninda!
Matatagpuan sa patients waiting area malapit sa COOP canteen ang mga murang gulay, prutas, atbp mula sa:
✅ KADIWA NI ANI AT KITA
Samantala, sa Hospital Lobby ay mayroon ding libreng samples ng nutritionals at libreng nutrition counselling mula sa:
✅ Abbot Nutrition
✅ Heartmate Canola Oil
Kitakits sa East Avenue Medical Center! 😉