
31/07/2025
Hello, mga Ka-POC!
Bilang pagtatapos ng Nutrition Month 2025 na may temang:
"Sa PPAN Sama-Sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat! Food and Nutrition Security Maging Priority! Sapat na Pagkain Karapatan Natin!”
Kami po sa Nutrition and Dietetics Department ng Philippine Orthopedic Center sa ilalim ng Allied Health Professional Services, ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng aktibong nakibahagi at sumuporta sa ating buwan ng nutrisyon.
Ang ating pagdiriwang ng Nutrition Month ay isang paalala sa kahalagahan ng tamang nutrisyon sa kalusugan at pag-unlad ng bawat isa. Ito ay isinasagawa taon-taon upang mapalawak ang kaalaman ng publiko tungkol sa karapatan sa sapat na pagkain, kaligtasan sa nutrisyon, at pagtutulungan para sa mas malusog na pamayanan.
Sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad at programa ngayong buwan, nawa’y lalo pa nating maisapuso ang pagkakaroon ng sapat, ligtas, at masustansyang pagkain para sa lahat. Sama-sama nating gawing prioridad ang nutrisyon at kalusugan, sapagkat ang "Sapat na Pagkain ay Karapatan Natin!”
Muli, maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at nagbigay ng oras, suporta, at dedikasyon para maging matagumpay ang ating selebrasyon. Hanggang sa muli, patuloy nating isabuhay ang wastong nutrisyon para sa mas malusog na kinabukasan!