23/07/2023
ANO ANG URIC ACID?
✅ Ang URIC ACID ay produkto ng metabolism ng mga PURINE compounds, mga chemicals na natural na nakikita sa katawan.
✅ Maraming pagkain ang nagtataglay ng mga PURINES, gaya ng mga lamang loob, sardinas at shellfish
✅ Ang mga PURINES na nasa dugo ay napupunta sa LIVER / ATAY at doon ay nagkakaroon ng degradation ng mga ito upang maging URIC ACID
✅ Ang URIC ACID ay inilalabas ng katawan sa pamamagitan ng pagdumi at pag-ihi. Ang KIDNEYS at BITUKA ang mga responsible sa pagmamaintain ng wastong URIC ACID levels sa dugo.
✅ Ang NORMAL URIC ACID levels sa dugo ay
- MALES: 4.0 - 8.5 mg/dL or 0.24 - 0.51 mmol/L
- FEMALES: 2.7 - 7.3 mg/dL or 0.16 - 0.43 mmol/L
✅ HYPERURICEMIA ang tawag kapag masyadong mataas ang URIC ACID sa dugo
✅ 90% ng mga kaso ng HYPERURICEMIA ay dahil sa MABABANG EXCRETION RATE ng uric acid sa kidneys.
⚠️ May mga sakit na konektado sa pagkakaroon ng MATAAS NA URIC ACID, gaya ng:
- GOUT / GOUTY ARTHRITIS
- KIDNEY STONES (URIC ACID STONES)
- CHRONIC KIDNEY DISEASE
✅ Ang pagkakaroon ng mataas na uric acid levels ay COMMON. Karamihan sa mga ito ay ASYMPTOMATIC, ibig sabihin ay WALANG SINTOMAS
⚠️ Hindi lahat ng may MATAAS NA URIC ACID ay kailangang gamutin. Kailangan ng consultation sa inyong doktor para malaman kung dapat gamutin ang HYPERURICEMIA o pwedeng obserbahan lang