03/10/2022
Bilang isang avocado lover, eto na ang para sa inyo. Basahin maigi ang nakasaad lalo sa parteng "mas maganda etong substitute sa kanin, at HINDIII po add-on!" :)
Maganda ba ang AVOCADO para sa may mga diabetes?
Ang AVOCADO ay naiiba sa pangkaraniwang prutas sapagkat ito ay may LOW SUGAR and HIGH GOOD FAT content. Narito ang mga maituturing na benepisyo ng avocado sa diet ng isang pasyente na may diabetes:
1. Hindi ito makakapagpataas ng blood sugar dahil sa mababang glycemic index nito.
2. Mataas ang fiber nito – ang ½ avocado ay may 4.6 g fiber content. Ang isang indibidwal ay nangangailangan ng 25-30 g fiber sa isang araw.
3. Maari itong makatulong na makapagpababa ng timbang at mapabuti ang insulin sensitivity – bagay na kailangan ng may mga diabetes.
4. Sagana ito sa healthy fats. Mataas ito sa monounsaturated fats o MUFA na tutulong na tumaas ang good cholesterol o HDL.
TANDAAN:
Ang isang karaniwang avocado ay may 250 calories (Ang isang tasang kanin ay may 200 calories). Ibig sabihin kung idadagdag ito sa karaniwang diet –maaari pang makadagdag ng timbang. Kung kaya hinihikayat na gamitin ang avocado bilang SUBSTITUTE at HINDI ADD-ON sa diet.
TIPS:
1. Sa halip na butter or cream cheese, maaaring avocado ang ilagay sa morning toast. Sa halip na cheese or thick dressing, maaaring avocado ang isama sa salad. Sa taas ng calories at good fats nito mas madaling mararamdaman ang pagkabusog at mababawasan ang craving sa sweets.
2. Bilang meal substitute, gumawa ng avocado smoothie. Maghanda ng medium sized avocado at ½ cup low fat milk or adult formula gaya ng Glucerna. Maaaring magdagdag ng kaunting sugar para lumasa ngunit mas mainam kung wala na. Nirerekomenda ko na magdadag ng ½ cup sunflower seeds o iba pang uri ng nuts. Haluin sa blender kasama ang isang basong yelo. Maaari na itong baon at panghalip sa agahan.
PLEASE SHARE.