
13/04/2021
BABALA:
Na inform po ako ng isang pharmacy na may kumakalat po na reseta na may pangalan ng doctor na...
PAOLO G. VILLANUEVA, MD
Internal Medicine
..na may clinic sa Pure Health Medical and Diagnostic sa Rufino St. Makati City.
HINDI PO AKO ITO.
Akala ko po noong una ay kapangalan ko lang ang doctor, pero napansin ko na ginaya nya ang license number ko at ginaya din ang pirma ko.
Bukod pa dito, may reseta rin na nakapangalan sa ibang doctor na may kaparehas na handwriting at pagkaprint ng reseta. Hindi ko po alam kung ito ang totoo nyang pangalan o ginaya nya rin sa ibang doctor.
Mag-iingat po at baka makatanggap po kayo ng reseta na ganito sa ibang tao/doctor. Uulitin ko po, HINDI PO AKO ITO.
EDIT: Marami pa palang reseta ang nahanap na may kaparehas na penmanship, as I was informed by multiple pharmacists na from Mercury, Watson's, Med Express etc. Maraming doctor na rin ang nagaya. Mag-ingat po. Pakitandaan po ang penmanship for now. Hindi po natin alam sa ngayon ang totoong pangalan nito. Mag-ingat na lang at andami na palang doctor na fraud nito.