QMMC Public Health Unit

QMMC Public Health Unit Official FB Page of Quirino Memorial Medical Center Public Health Unit

Alam mo ba ang mga senyales ng depresyon? ๐Ÿ’™Hindi ito simpleng lungkot lang.Maaaring mapansin ang pagbabago sa tulog o pa...
13/04/2026

Alam mo ba ang mga senyales ng depresyon? ๐Ÿ’™
Hindi ito simpleng lungkot lang.

Maaaring mapansin ang pagbabago sa tulog o pagkain, matinding kalungkutan, pagkawala ng interes, o pag-iwas sa ibang tao. Sa mas malalang kaso, maaaring may pag-iisip ng pananakit sa sarili.

Kung ikaw o may kilala kang nakakaranas nito, humingi ng tulong.
May mga hotline at health centers na handang makinig at umalalay.

Walang health kung walang mental health.

๐’๐จ๐›๐ซ๐š๐ง๐  ๐ข๐ง๐ข๐ญ?๐Ÿฅต ๐‡๐š๐ฅ๐ข๐ง๐š'๐ญ ๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐ž๐ฉ๐ž๐ค๐ญ๐จ ๐ง๐ข๐ญ๐จ ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ญ๐š๐ฐ๐š๐ง! โ˜€๏ธAng matinding init ay maaaring magdulot ng ibaโ€™t - ibang he...
10/04/2026

๐’๐จ๐›๐ซ๐š๐ง๐  ๐ข๐ง๐ข๐ญ?๐Ÿฅต ๐‡๐š๐ฅ๐ข๐ง๐š'๐ญ ๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐ž๐ฉ๐ž๐ค๐ญ๐จ ๐ง๐ข๐ญ๐จ ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ญ๐š๐ฐ๐š๐ง! โ˜€๏ธ

Ang matinding init ay maaaring magdulot ng ibaโ€™t - ibang heat-related illnesses. Ilan sa mga ito ay ang:

๐Ÿฆต ๐—›๐—ฒ๐—ฎ๐˜ ๐—–๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐˜€ o pamumulikat
๐Ÿ˜ต๐—›๐—ฒ๐—ฎ๐˜ ๐—˜๐˜…๐—ต๐—ฎ๐˜‚๐˜€๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป o lubhang pagkapagod dahil sa init. Ito ay maaari ding humantong sa dehydration.
๐ŸŒก๏ธ๐—›๐—ฒ๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ผ๐—ธ๐—ฒ, ang pinakamalubhang uri at isang emergency na nangangailangan ng agarang atensyong medikal.

Kung makaramdam ng mga sintomas tulad ng pagsakit ng ulo, hilo, pagsusuka, pagod, panghihina, pagkalito, o pagkawala ng malay, huwag itong ipagwalang bahala. Agad na pumunta sa pinakamalapit na ospital o health center.

Ingatan ang sarili kontra init! Stay hydrated, gumamit ng panangga sa araw kapag lalabas, at magpahinga kung kailangan.





๐Ÿ˜ต๐Ÿ”ฅ ๐๐š๐ก๐ข๐ก๐ข๐ฅ๐จ? ๐๐š๐ง๐ ๐ก๐ข๐ก๐ข๐ง๐š ๐จ ๐ฌ๐ฎ๐ฆ๐š๐ฌ๐š๐ค๐ข๐ญ ๐š๐ง๐  ๐ฎ๐ฅ๐จ? ๐’๐ญ๐จ๐ฉ ๐š๐ง๐ ๐œ๐ก๐ข๐ฅ๐ฅ ๐ฆ๐ฎ๐ง๐š. โœ‹๐ŸŒฌ๏ธKung sakaling makaranas ng sintomas gaya ng pagkahi...
09/04/2026

๐Ÿ˜ต๐Ÿ”ฅ ๐๐š๐ก๐ข๐ก๐ข๐ฅ๐จ? ๐๐š๐ง๐ ๐ก๐ข๐ก๐ข๐ง๐š ๐จ ๐ฌ๐ฎ๐ฆ๐š๐ฌ๐š๐ค๐ข๐ญ ๐š๐ง๐  ๐ฎ๐ฅ๐จ? ๐’๐ญ๐จ๐ฉ ๐š๐ง๐ ๐œ๐ก๐ข๐ฅ๐ฅ ๐ฆ๐ฎ๐ง๐š. โœ‹๐ŸŒฌ๏ธ

Kung sakaling makaranas ng sintomas gaya ng pagkahilo, pagsusuka, pagod, o panghihina, tumigil muna at tandaan ang mga sumusunod na paunang lunas:

๐ŸŒณLumipat sa lilim o saan mang lugar na maaaring magpalamig.
๐ŸงฅAlisin ang damit na may makapal na tela.
๐ŸงŠGumamit ng cold compress.
๐Ÿ’งDahan-dahang uminom ng malamig na tubig.
โ˜Ž๏ธMakipag-ugnayan sa emergency o ospital.

Sa oras ng pangangailangan, agad na magtungo sa pinakamalapit na health center o tumawag sa mga numero sa ibaba.

Tandaan ang mga health tips na ito and beat the summer heat! ๐Ÿ–๏ธ





๐‘ฉ๐’†๐’‚๐’• ๐’•๐’‰๐’† ๐’‰๐’†๐’‚๐’• ๐’๐’ˆ๐’‚๐’š๐’๐’๐’ˆ ๐’•๐’‚๐’ˆ-๐’Š๐’๐’Š๐’•! ๐ŸŒŠ๐Ÿ„๐Ÿปโ€โ™‚๏ธAno ang mga kailangan gawin para iwas-sakit ngayong tag-init? Narito ang ilang paa...
09/04/2026

๐‘ฉ๐’†๐’‚๐’• ๐’•๐’‰๐’† ๐’‰๐’†๐’‚๐’• ๐’๐’ˆ๐’‚๐’š๐’๐’๐’ˆ ๐’•๐’‚๐’ˆ-๐’Š๐’๐’Š๐’•! ๐ŸŒŠ๐Ÿ„๐Ÿปโ€โ™‚๏ธ

Ano ang mga kailangan gawin para iwas-sakit ngayong tag-init? Narito ang ilang paalala:

๐ŸงŠStay hydrated! Unimom ng sapat na tubig.
๐Ÿ™…๐Ÿปโ€โ™€๏ธIwasan ang iced tea, soda, kape, o inuming may alcohol.
๐ŸŽฝMagsuot ng maluwag, magaan, at komportableng damit.
๐ŸกLimitahan ang paglabas mula 10 ng umaga hanggang 4 ng hapon.
โ˜‚๏ธGumamit ng proteksyon laban sa sobrang init at sunburn.

Ngayong summer, unahin pa rin ang health at safety. Maging handa sa mga bantang dulot ng matinding init at protektahan ang sarili at pamilya!




๐ŸŒก๏ธ ๐™๐™–๐™ข๐™™๐™–๐™ข ๐™ข๐™ค ๐™ฃ๐™– ๐™—๐™– ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ž๐™ฃ๐™ž๐™ฉ? ๐Ÿ”ฅ๐ŸฅตDahil sa patuloy na pagtaas ng heat index sa ibaโ€™t ibang lugar sa bansa, mahala...
08/04/2026

๐ŸŒก๏ธ ๐™๐™–๐™ข๐™™๐™–๐™ข ๐™ข๐™ค ๐™ฃ๐™– ๐™—๐™– ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ž๐™ฃ๐™ž๐™ฉ? ๐Ÿ”ฅ๐Ÿฅต

Dahil sa patuloy na pagtaas ng heat index sa ibaโ€™t ibang lugar sa bansa, mahalagang maging handa at protektado. Uminom ng sapat na tubig๐Ÿ’ง, iwasan ang matinding sikat ng arawโ˜€๏ธ, magsuot ng preskong damit๐ŸŽฝ, at magpahinga kung kinakailangan๐Ÿ˜Œ.

Ingatan ang sarili at pamilya laban sa heat-related illnesses!

โš ๏ธIsang public health advisory mula sa Department of Health-Metro Manila Center for Health Development.








02/04/2026

โ€ผ๏ธGAWING SAFE AT HEALTHY ANG SEMANA SANTAโ€ผ๏ธ

Ngayong Holy Week, iwasan ang anumang sakit o sakuna na pwedeng mangyari sa inyong mga mahal sa buhay.

Bago bumiyahe para sa Visita Iglesia, siguraduhing kumpleto ang mga kailanganโ€”tubig, payong, gamot, at light snacks.

Kapag kailangan ng tulong, agad na tumawag sa National Emergency Hotline 911.





02/04/2026

โ€ผ๏ธHINDI LAHAT NG INUMIN AY NAKAKA-HYDRATE, TUBIG PA RIN ANG PINAKA-EPEKTIBO SA MAINIT NA PANAHON!โ€ผ๏ธ

Ayon sa research ng Acta Medica Philippina, 6 sa bawat 10 Pilipino (64.41%) ang umiinom ng sugar-sweetened beverages (SSB) araw-araw. Ibig sabihin, mahilig ang mga Pinoy sa mga matatamis at malalamig na inumin.

Kaya palalala ng DOH ngayong Semana Santa, gawing regular ang pag-inom ng tubig bilang pinaka-epektibong inumin para maiwasan ang heat exhaustion at dehydration.





Kinikilala ng Department of Health - Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) na sa maraming kultura, ang ...
01/04/2026

Kinikilala ng Department of Health - Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) na sa maraming kultura, ang unang araw ng Abril ay kilala bilang April Foolโ€™s Day, isang araw na laganap ang mga biro at kalokohan.

Hinihikayat ang publiko na umiwas sa mga biro na may kinalaman sa karamdaman, sakit, at iba pang pisikal o kalusugang pangkaisipanlalo na ang mga usapin tungkol sa pagkawala ng buhay.

Ang ganitong mga biro ay nakadaragdag sa stigma na nais nating mabawasan.

May paraan para magsaya nang may konsiderasyon at malasakit. Laging piliin ang maging mabuti sa isaโ€™t isa dahil bawat buhay mahalaga.

https://www.facebook.com/share/p/1KC6pzJUHQ/?mibextid=wwXIfr

30/03/2026

Ngayong Semana Santa, inaasahang dadagsa ang mga biyahero at deboto sa ibaโ€™t ibang panig ng bansa.

Paalala ng DOH โ€“ Metro Manila Center for Health Development, gawing prayoridad ang kaligtasan at kalusugan sa bawat biyahe at sandali ng pagninilay.

Panoorin ang mahahalagang health reminders upang maging handa, protektado, at makabuluhan ang inyong pagdiriwang.

Sa tamang kaalaman nagsisimula ang kaligtasan. Isang ligtas at mapagnilay na Semana Santa sa bawat isa dahil sa Bagong Pilipinas bawat buhay mahalaga.








27/03/2026

๐Ÿ“ฃ QMMC Public Health Unit, Pinalakas ang Health at Environmental Awareness๐Ÿ’™

Nagsagawa ang ๐™Œ๐™ˆ๐™ˆ๐˜พ - ๐—ฃ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ฐ ๐—›๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต ๐—จ๐—ป๐—ถ๐˜ ng serye ng Lay Lectures sa OPD at waiting areas ng QMMC noong Marso 24โ€“25, 2026. Tinalakay sa dalawang araw na aktibidad ang mga sumusunod:

โœ”๏ธ ๐—ง๐—• ๐—”๐˜„๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐˜€๐˜€
โœ”๏ธ ๐—–๐—ผ๐—น๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ฎ๐—น ๐—–๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ
โœ”๏ธ ๐—ง๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ
โœ”๏ธ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ด๐—น๐—ฒ-๐˜‚๐˜€๐—ฒ ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ถ๐—ฐ๐˜€

Layunin ng mga lay lectures na ito na maitaas ang kamalayan sa pag-iwas, maagang pagtuklas, at tamang gamutan ng tuberculosis. Gayundin ang Colorectal Cancer Awareness na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng screening, maagang pagsusuri, at malusog na pamumuhay.

Binigyang-pansin din ang wastong pagtatapon ng basura bilang mahalagang hakbang sa pagpapanatili ng kalinisan at pag-iwas sa mga sakit sa komunidad. Kaugnay nito, isinulong ng QMMC ang pagbawal sa paggamit ng single-use plastics sa loob ng ospital upang mabawasan ang polusyon at mapangalagaan ang ating kapaligiran.

QMMC NAKIISA SA TB-FREE GENERATION FUN RUN NA INILUNSAD NG DOH-MMCHD Nakiisa ang Quirino Memorial Medical Center (QMMC) ...
24/03/2026

QMMC NAKIISA SA TB-FREE GENERATION FUN RUN NA INILUNSAD NG DOH-MMCHD

Nakiisa ang Quirino Memorial Medical Center (QMMC) sa matagumpay na โ€œTB-Free Generation Fun Runโ€ na inilunsad ng Department of Health โ€“ Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD). Ginanap ito noong ika-21 ng Marso, 2026 sa Alpha South, Taguig City. Ang mga kawaning dumalo ay mula sa Public Health Unit at Department of Family and Community Medicine.

Layunin ng inisyatibong ito na palakasin ang kamalayan ng publiko at hikayatin ang mas malawak na pakikilahok sa TB screening at iba pang serbisyong pangkalusugan. Ito ay dinaluhan ng ibaโ€™t ibang henerasyon mula Baby Boomers hanggang Generation Alpha na sumisimbolo ng sama-samang pagkilos tungo sa isang TB-free na kinabukasan. Naipakita ng mga dumalo na ang TB ay nagagamot at naiiwasan kung maagapan at tuloy-tuloy ang gamutan.Naipamalas din na ang maigting na laban kontra TB ay hindi lamang responsibilidad ng iilan, kundi ng buong komunidad.

Ang nasabing fun run ay sa pakikipagtulungan ng Taguig City LGU at iba pang partners na nakapaghatid ng malawakang programa tulad ng libreng TB screening, health services -konsultasyon, health assessment, at iba pang preventive services upang matiyak ang maagang pagtukoy at agarang pagpapagamot ng sakit.

โ€œTunay na sa bawat pagsikat ng araw, may bagong pag-asa para sa isang TB-Free na Pilipinas! Sa sama-samang pagkilos, Yes, Pilipinas can end TB!โ€



#

"ALAMIN, IWASAN, MAGPABAKUNA" Naghandog ng lay lecture tungkol sa Rabies Awareness Month si PGI Aina Saberon mula sa Dep...
24/03/2026

"ALAMIN, IWASAN, MAGPABAKUNA"

Naghandog ng lay lecture tungkol sa Rabies Awareness Month si PGI Aina Saberon mula sa Department of Family and Community Medicine noong Huwebes, ika-19 ng Marso, 2026 sa OPD ramp na bahagi ng ospital. Pinangasiwaan ito ni Dr. Francis Estenzo at sa pakikipagtulungan ng QMMC Public Health Unit.

Isinusulong ngayong buwan ang pag-iwas, responsableng pag aalaga ng hayop at maagang pagpapagamot upang tuluyang mapuksa ang pagkamatay ng tao dahil sa rabies. Ang rabies ay isang sakit dulot ng kumakalat na virus na nagmumula sa laway ng hayop na may impeksiyong rabies.

โ€œProtektahan ang sarili, Protektahan ang Pamilya, Protektahan ang alagang hayopโ€
-----------------
*Ang pagkuha ng larawan ay may pahintulot ng mga tagapakinig.

Address

J. P. Rizal, Project 4, Lungsod Quezon, Kalakhang Maynila
Quezon City
1109

Opening Hours

Monday 9am - 4pm
Tuesday 9am - 4am
Wednesday 9am - 4am
Thursday 9am - 4pm
Friday 9am - 4pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when QMMC Public Health Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share