24/08/2025
โผ๏ธGABAY SA TAMA AT WASTONG PAGPILI NG BARLEY NA INYONG BIBILHIN.
1. HUWAG BIBILI NG MAY IBANG HALONG SANGKAP.
Ugaliing tignan ang mga sangkap sa likod ng box or packaging. Pumili lang po ng barley na puro at mataas ang kalidad. Ang mas puro ay mas epektibo, mas malakas at mas masustansya.
2. ANG MURA AY HINDI LAGING MAGANDA. Ang mga brands ng barley na naglalaman ng ibang sangkap maliban sa actual na barley ay may kakayanang magbaba ng presyo sa pamamagitan ng pagpaparami ng sangkap na mas mura. Maaaring ang inyong iniinum na barley ay mas marami pa ang laman na sweetener kaysa actual na barley content.
3. HUWAG MAGPALINLANG SA MGA KARAGDAGANG PRUTAS NA INIHAHALO PA SA BARLEY PARA MAGBIGAY NG IMPRESYON NA ITO AY MAS MASUSTANSYA. Gaya ng nabanggit sa taas, ito ay isa lamang taktika ng manufacturer para mababa ang presyo ng binebentang barley. Ang vitamin C na makukuha sa barley ay sapat na sa pangangailangan ng ating katawan. Ang barley ay mayroong pitong beses (7X) na mas maraming Vitamin C kaysa orange juice.
4. MAGING MAPANURI AT MAPAGMATIYAG. Mataas po ang demand ng barley ngayon HINDI lamang dahil sa mga sakit na natutulungan nito pati na rin ang pandemia na ating kinakaharap. Marami pa pong company ang sasakay sa barley bandwagon, kaya suriin mabuti ang mga bagong version ng barley products na lalabas upang makasiguro na ito ay ligtas, mabisa at sulit sa ating ibabayad.