06/07/2025
QCITIZENS! Mag-ingat sa leptospirosis! ❌🐀
Ngayong nakararanas tayo ng malakas at tuloy-tuloy na pag-ulan, kabilaan na naman ang pagbaha sa ating lungsod. Maging alerto at maingat! Umiwas sa leptospirosis.
Kung sakaling may sugat, linisin at takpan ito. Gumamit n WATERPROOF BANDAGE upang masiguro na hindi mapapasukan ang ating sugat ng tubig-baha.
Sa kabila nito, mas mainam pa rin na huwag lumusong sa baha, may sugat ka man o wala. PREVENTION is the best way to avoid lepto!
Sakaling kailangan talagang lumusong sa baha, makipag-ugnayan agad sa inyong mga health center upang makakuha ng LIBRENG KONSULTA at LIBRENG GAMOT laban sa leptospirosis.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa LEPTOSPIROSIS, maaaring tingnan ang link na nasa ibaba:
https://www.facebook.com/share/v/1CiYMmtFzd/
Para sa iba pang health tips, i-like at i-follow ang Quezon City Health Department Official page.