30/10/2021
“ANG ALAMAT NG SAMPAGUIT“
Magandang babae, maraming katangiang kaibig-ibig at mabuting anak. Iyan si Aniway, isa sa mga dalagang ipinagmamalaki ng kanilang tribu. Pihikan sa pag-ibig ang dalaga kaya wala pang nobyo. Isa lang ang lagi niyang dinadasal. Na sana ay makatagpo siya ng karapat dapat na lalaki na magmamay-ari ng kanyang puso. Mula sa malayong tribu ang binatang si Maru. Nang Makita ng binata si Aniwa ay hindi na tinigilan ng panliligaw. Inamin ni Aniway na kaiba sa mga lalaking nanligaw sa kanya, malapit agad ang loob niya kay Maru. Makaraan ang kulang isang taon ay tingggap niya ang pag-ibig ng binata. Maligayang maligaya si Aniway lalo nang sabihin ni Maru na uuwi ito sa kanilang tribu para sunduin ang mga magulang. Ibig na raw kasi nito na magpakasal sila. Ipinangako ng binata na babalik sa susunod na pagbilog buwan. Subalit lumipas na ang dalawang pagsikat at paglubog ng buwan, ni anino ni Maru ay hindi na nakita ni Aniway. Ang masama ay ginamit ng isa sa mga karibal ni Maru ang sitwasyon para siraan ang binata. Ikinalat nito na nag asawa ng iba si Maru at hindi na babalik kay Aniway. Inakalang totoo ang kumalat na balita, sa labis na sama ng loob at kahihiyan ay nagkasakit ng malubha si Aniway. Bago namatay ay wala siyang nausal kundi "Isinusumpa kita!... sumpa kita!" Ang mga salitang "Isinusumpa kita!.. sumpa kita!" ang tanging naiwan ni Aniway kay Maru, na dinapuan ng sakit kaya hindi agad nakabalik. Sa sobrang paghihinagpis, araw-araw ay halos madilig ng luha ni Maru ang puntod ni Aniway. Hindi matanggap ni Maru na namatay ang dalaga na masama ang loob sa kanya. Ilang lingo makaraan ay may tumubong halaman sa libingan ni Aniway. Nang mamulaklak iyon ay ubod ng bango. Tinawag iyong sumpa kita, ang huling salitang binigkas ni Aniway bago sumakabilang buhay. Ang Sumpa kita ay naging sampaguita. Ang ALAMAT NG SAMPAGUITA 😍