Yugto: Edukasyong Aksesibol at Inklusibo

Yugto: Edukasyong Aksesibol at Inklusibo CWTS 2 MIK-1 under Sir Ted Nichol Siquian

19/12/2023

Pahayag ng suporta ng Yugto: Edukasyong Aksesibol at Inklusibo sa Transport Strike na isinagawa ng ating mga tsuper at operator ngayong araw hanggang sa ika-29 ng Disyembre.

Matatandaan na ang Yugto ay nagsagawa ng Kariton Klasrum sa Pook Malinis nitong nakaraang araw at kasabay nito ang kanilang pagbibigay suporta at pakikiisa sa ating mga tsuper. Dahil bilang mga estudyante, nararapat lamang na ipaglaban natin ang karapatan ng Mamamayang Pilipino lalo na ang mga tsuper na naghahatid sa ating patutunguhan upang makapasok at makapag-aral.

Ayon sa kanila, itong "Modernization" ay hindi makatwiran kung nagdudulot lamang ito ng kahirapan sa mamamayan at mayroong maiiwan.



Ikalimang Yugto: Ang Inyong Yugto ✨Eto na ang inyong pagkakataon na maiparating ang inyong tulong sa mga bata ng Pook Ma...
30/11/2023

Ikalimang Yugto: Ang Inyong Yugto ✨

Eto na ang inyong pagkakataon na maiparating ang inyong tulong sa mga bata ng Pook Malinis.

Base sa aming pagbisita sa PoMa, kasama ng listahan na ibinigay sa amin ng kanilang tagapamahala, aabot sa mahigit kumulang na 100-200 na bata 👶👧🧒 ang maaari nating mabigyan ng tulong sa ating proyekto. 🤩🥰

Kung kaya't kami ay nagbubukas ng isang DONATION DRIVE 🤲 upang maglikom ng pinansyal na tulong na gagamitin upang bumili ng mga sumusunod:
- School materials
- Pagkain at bigas
- Donasyon na tulong sa Pook Malinis

Maaaring magpadala sa aming GCash account na [09999100844 - Danica Julienne Blaze Lorenzo] at Landbank account [Danica Lorenzo - 4816 0141 10

Ngayon pa lang ay nagpapasalamat kami sa inyong pagsuporta sa aming proyekto para sa mga bata. 🙏





18/11/2023
Ikaapat na Yugto: Unang Pagbisita ✨Noong nakaraang Lunes, Nobyembre 13, binisita ng aming team ang Pook Malinis o mas ki...
18/11/2023

Ikaapat na Yugto: Unang Pagbisita ✨

Noong nakaraang Lunes, Nobyembre 13, binisita ng aming team ang Pook Malinis o mas kilala bilang POMA. Dito nakilala namin ang mga nanay ng block 1 na silang nagpakilala sa amin kung ano ba ang kalagayan ng pook sa kasalukuyan, pati na rin ang kwento sa likod ng "kariton classroom." 📚📖

Maraming salamat po sa inyong mainit na pagtanggap sa amin 🫶 Hindi na kami makapag-antay na bumalik muli 🤩

Salamat din sa tulong ng Kariton ng Maralita Network





Ikatlong Yugto: Ang Aming Misyon at Bisyon ✨Narito ang misyon at bisyon na magsisilbing gabay namin sa pagsulong ng amin...
10/11/2023

Ikatlong Yugto: Ang Aming Misyon at Bisyon ✨

Narito ang misyon at bisyon na magsisilbing gabay namin sa pagsulong ng aming proyektong Yugto.





Ikalawang Yugto: Kilalanin ang Yugto Team ✨Kami sina Rence Espinosa, Giezelle Villanueva, Wency Lacsa, Mary Catherine Ja...
05/11/2023

Ikalawang Yugto: Kilalanin ang Yugto Team ✨

Kami sina Rence Espinosa, Giezelle Villanueva, Wency Lacsa, Mary Catherine Javier, Danica Julienne Blaze Lorenzo, Edward Eusebio, at Natalee Reese Lim mula sa CWTS 2 MIK-1 sa ilalim ni Sir Ted Suquian at eto ang aming proyektong adbokasiya para sa edukasyong aksesibol at inklusibo.

Inaanyayahan namin kayong makiisa sa aming hangaring maipabuti ang kalagayan ng pag-aaral ng mga bata mula sa Pook Malinis.




Address

UP Diliman
Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Yugto: Edukasyong Aksesibol at Inklusibo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share